^

Bansa

Expired, mae-expired na COVID-19 vaccines, papalitan ng COVAX

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Expired, mae-expired na COVID-19 vaccines, papalitan ng COVAX
Children 5 to 11, 12-18 and 18 above adult recieved thier first Jab and booster shots at Marikina Sports Complex Mega Vaccination site on May 23, 2022.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Nangako na umano ang COVAX facility na papalitan nito ang lahat ng expired at mae-expired na COVID-19 vaccine doses sa bansa, kabilang na rito ang mga binili ng pribadong sektor at mga local government units (LGUs), ayon kay Department of Health officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

“We had an agreement with the COVAX facility, that these will all be replaced... Even those that have expired from tthe private sector and the local government units, the vaccines, papalitan po ng COVAX facility,” pagtiyak ni Vergeire.

Nabatid na aabot sa P5.1 bilyon ang halaga ng bakuna na binili ng mga pribadong sektor ang nasayang umano nang ma-expired na lamang.

Ayon kay Vergeire, ang pagpapalit sa mga expired na bakuna ay iiskedyul at isasagawa sa sandaling ang kasalukuyang suplay ng bakuna sa bansa ay magsimula nang maubos.

Tiniyak naman ni Vergeire na ang Pilipinas ay may sapat pang suplay ng bakuna sa ngayon.

“We are scheduling our replacement doon po sa time na kakailanganin natin itong mga replaced doses na dahil sa ngayon, sufficient pa po ang bakuna natin,” aniya pa.

Base sa pinakahuling datos ng DOH, umaabot na sa 71.9 milyong Pinoy ang fully vaccinated na laban sa COVID-19, habang 16.6 milyon naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.

COVAX

LGU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with