^

Bansa

Monkeypox cases i-isolate sa ospital ‘wag sa bahay – PHAPI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Monkeypox cases i-isolate sa ospital ‘wag sa bahay – PHAPI
A handout picture made available by the UK Health Security Agency (UKHSA) on June 22, 2022 shows a collage of monkeypox rash lesions at an undisclosed date and location.
UK Health Security/Released via AFP

MANILA, Philippines — Dalhin sa ospital o isolation facility at hindi sa bahay ang isang hinihinalang tinamaan ng monkeypox upang mabigyan ng tamang atensyon at hindi na kumalat.

Ayon kay Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) President Dr. Jose Rene De Grano, dapat na madala sa isolation facilities ng mga ospital ang suspected monkeypox cases para sa wastong obser­basyon at paggamot hanggat maari.

“Hindi po puwedeng sa bahay iyan pagka talaga pong suspect. Suspek po ng monkeypox ay kailangang i-isolate siya sa isang area,” ani De Grano sa pahayag ng Dobol B TV.

“Kung talagang monkeypox ‘yan, kung maaari, huwag munang iano sa bahay at baka mas dumami po,” ­dagdag ni De Grano.

Paliwanag niya, mas mabuti na sa ospital dalhin dahil ang mga pagamutan ay mayroong isolation areas.

“Yes po kasi ang mga ospital maraming may mga isolation areas po ‘yan. Miski mga COVID areas hindi naman ‘yan isang ward. May kanya-kanyang room ‘yan, separate na mga isolation areas,” aniya.

“Pero ‘pag ganitong klase na — medyo bago kasi ito — gusto ­nating matiyak na talagang monkeypox ba talaga ito and then kailangang i-isolate natin nang sa gayun ay maibigay natin ang proper treatment,” aniya pa.

Nilinaw niya rin na kahit pare-prehong suspected monkeypox ang mga pasyente magkakahiwalay sila ng room o isolation area.

Nitong Biyernes ­(Hulyo 29) nang kumpirmahin ni DOH Undersecretary Dr. Beverly Ho ang Pinoy na kauna-unahang pasyente ng monkeypox na dumating sa bansa noong Hulyo 19 at nailabas ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang resulta ng RT-PCR test  nitong Hulyo 28.

May travel record ang pasyente na nagtungo sa mga bansang may kaso ng monkeypox.

Samantala, tiniyak din ni De Grano na handa na ang mga pribadong ospital sakaling dumami pa ang mga pasyenteng matutukoy na tinamaan ng mon­keypox sa bansa, tulad ng paghahanda o protocol nilang ginawa sa COVID-19, alinsunod sa abiso ng DOH.

“May ibang mga sintomas ‘yan. May mga rashes ‘yan at may mga kulani, ganu’n. Pero ‘yung ibang mga sintomas like fever, pagsasakit ng katawan, para din ‘yang flu, para ring COVID,” ani De Grano.

“Kung talagang very high ang degree ng suspicion, itatawag agad ito ng private hospital kung doon siya nagpunta and then RITM lab talaga o mga ospital ng government ang siyang magpi-pickup na po niyan para mapag-aralan din kung tunay na sintomas ‘yung mga ‘yon,” paliwanag pa niya.

Maari rin aniyang dalhin sa public hospitals ang mga nangangailangan ng isolation upang mabawasan ang problema sa gastusin.

Sa ngayon ay hindi pa available ang gamot sa monkeypox sa bansa kaya ang magpopositibo sa monkeypox ay gagamutin muna depende sa nakikitang sintomas.

“Supportive lang talaga ‘yan, kung ano lang kailangan niya. Kung kailangan su­werohan, susuwerohan. Kung may lagnat, para sa lagnat... Pagsasakit ng katawan, ganun  po, kung ano ang ano,” aniya pa.

PHAPI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with