^

Bansa

Suspek sa Ateneo shooting haharap sa 3 counts ng murder atbp. reklamo

James Relativo - Philstar.com
Suspek sa Ateneo shooting haharap sa 3 counts ng murder atbp. reklamo
Suspected gunman Chao Tiao Yumol (L) is escorted by police at Camp Karingal following his arrest after three people were killed in a shooting at Ateneo de Manila University in Quezon City, suburban Manila, on July 24, 2022. Three people were killed July 24 in a rare shooting at a university in the Philippine capital Manila, officials said, in what appears to have been a targeted political assassination.
AFP/STR

MANILA, Philippines — Sinampahan na ng patung-patong na reklamo ang suspek sa kontrobersyal na pamamaril na si Chao Tiao Yumol matapos ang malagim na krimen sa Ateneo de Manila University bago ang isang graduation ceremony ng law students.

Linggo nang mangyari ang naturang pamamaril, bagay na ikinamatay ni ex-Lamitan City Mayor Rosita Furigay, executive assistant na si Victor George Capistrano at Ateneo guard na si Jeneven Bandiola. Sugatan ang anak ni Rosita na si Hanna.

Ayon kay Philippine National Police spokesperson Col. Jean Fajardo, haharap si Yumol sa mga sumusunod na kaso kaugnay ng krimen:

  • murder (3 counts)
  • frustrated murder kaugnay ng Sec. 29 ng Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act (paggamit ng loose firearm para gumawa ng krimen)
  • paglabag sa Republic Act 10883 (New Anti-Carnapping Act of 2016)
  • Malicious mischief na nagkakahalaga ng P80,000

"[The Quezon City Police District referred the complaints...  before the QC Prosecutors Office. Suspect remains under the custody of QCPD," wika ni Fajardo, Martes.

"Ni-refer na po kaso during the inquest proceeding yesterday."

Una nang kinundena nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Commission on Higher Education atbp. leaders mula sa probinsya ng Basilan ang krimen, ito habang nangangako ang presidente ng mabilis na imbestigasyon upang maihatid ang katarungan.

Pinarangalan naman sa social media ng netizens ang gwardya na si Bandiala, na nabalitang pumigil kay Yumol.

Hinihirang siya ngayong bayani dahil namatay siya habang pinoprotektahan ang mga tao sa paligid. — may mga ulat mula kay Franco Luna

Related video:

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

BASILAN

GUN VIOLENCE

LAMITAN CITY

MURDER

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with