^

Bansa

Bayanihan e-Konsulta ilulunsad muli ni ex-VP Robredo; mahigit 1,000 volunteers sumali na

Philstar.com
Bayanihan e-Konsulta ilulunsad muli ni ex-VP Robredo; mahigit 1,000 volunteers sumali na
Official logo of the Angat Buhay non-government organization of Vice President Leni Robredo as seen on its Facebook page (left) and Robredo speaking to her staff in this photo shared on her Facebook page VP Leni Robredo on June 27, 2022 (right).
STAR / File

MANILA, Philippines — Muling magbabalik ang Bayanihan e-Konsulta na sinimulan ni former Vice President Leni Robredo sa ilalim ng kanyang non-government organization na Angat Buhay NGO.

Ang Bayanihan e-Konsulta, na inilunsad ni Robredo bilang responde sa paglala ng pandemiya sa bansa, ay isang telecommunication medical service na nagbibigay ng libreng konsultasyon para sa mga pasyente at sa mga nahawaan ng COVID-19 sa tulong ng mga volunteer doctors.

“Dahil sa pagdami na naman ng COVID cases dito sa atin, magbubukas pong muli ang Bayanihan e-Konsulta,” inihayag ni Robredo sa kanyang Facebook page.

Mahigit 1,100 na Filipino na ang naghayag ng kagustuhan mag-volunteer, higit sa 50 non-medical at 40 medical volunteers na hinanap ng NGO nang buksan muli ang programa.

“In less than 20 minutes, 1,100 volunteers already signed up for the resumption of Bayanihan e-Konsulta. Thank you. The spirit of volunteerism is alive and well,” sinabi ng former president sa kanyang Twitter account.

Mananatiling nasa remote setup o work-from-home pa rin ang lahat ng volunteers. Nanawagan si Robredo sa lahat ng gustong sumali na siguraduhin na may sariling computer, at internet connection para sa e-konsulta.

Sa mga gustong sumali, maaring sagutan ang form na ito bit.ly/ABekonsulta, at ito naman kung ikaw ay isang medical volunteer bit.ly/ABekonsultadocs.

Unang inilunsad ang Bayanihan e-Konsulta noong April 2021 matapos tumaas muli ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa na nagresulta sa isa na namang lockdown sa Metro Manila at mga karatig lalawigan. — Philstar.com intern Jomarc Corpuz

ANGAT BUHAY

LENI ROBREDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with