^

Bansa

Global crisis tututukan ng BBM admin

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang nakaambang krisis sa pagkain ang isa sa mga unang hamong kakaharapin ng administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ayon kay Press Secretary-designate Atty. Trixie Cruz-Angeles.

Sa pahayag ng World Bank, World Trade Organization, United Nations Food and Agriculture Organization (FAO) at World Food Programme (WFP), patung-patong na krisis ang sanhi ng pinangangambahang kakulangan sa pagkain sa parating na mga buwan.

“Ang patuloy na epek­to ng COVID-19 pandemic, pa-iba-ibang panahon, krisis sa ekonomiya, armadong sigalot, pagsipa ng presyo ng langis at enerhiya, pambansang utang, at mga suliranin sa pandaigdigang supply chain dulot ng gyera sa Ukraine ay ang mga nakikitang dahilan kung bakit magkakaproblema sa suplay ng pagkain,” paliwanag ni Angeles.

Simula nang sumiklab ang sigalot sa pagitan ng Ukraine at Russia, natigil ang shipment ng mga produkto mula sa mga pwer­to ng Ukraine sa Black Sea, at bumaba ang bilang ng export shipments ng Russian Federation.

Ayon sa FAO at WFP hunger hotspots outlook, dahil sa giyera at kakulangan ng farm inputs, apektado ang produksyon ng agricultural products at food processing sa Ukraine, na nagdulot din ng epekto sa pandaigdigang suplay ng pagkain.

Sumipa rin ang presyo ng fertilizer na lalo pang pinalala ng pangamba sa merkado. 28-percent ng abono na gawa sa nitrogen at phosporus ay mula sa Russia at Ukraine.

Sa kabila ng hindi kontroladong “interve­ning factors,” nangako si Marcos na pursigido ang kanyang administrasyon na makamit ang mithiin para sa “food security” at “food sovereignty.”

BONG BONG MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with