^

Bansa

'Medical furlough' para sa major surgery ni De Lima aprubado — abogado

Philstar.com
'Medical furlough' para sa major surgery ni De Lima aprubado — abogado
Kuha kay Sen. Leila de Lima, ika-13 ng Mayo, 2022, sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 204 sa pagpapatuloy ng mga pagdinig sa kanyang drug-related charges
Released/Leila de Lima, File

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ang hiling na "medical furlough" ng nakakulong na si Sen. Leila de Lima ayon sa kanyang abogado, bagay na gagamitin daw para sa isang major procedure na magtatanggal sa parte ng uterus ng senadora dahil sa dahilang pangkalusugan.

Ayon sa abogado niyang si Filibon Tacardon, Biyernes, mangyayari ito matapos nilang i-request ito sa dalawang korteng nag-aasikaso ng kanyang drug-related cases.

"Na-approve na po 'yung medical furlough ni Sen. Leila at siya'y nakatakdang pumunta sa Manila Doctors [Hospital] para sa kaniyang medical procedure," ani Filibon sa panayam ng TeleRadyo kanina.

Una na raw pinayuhan si De Lima ng kanyang mga doktor na sumailalim sa "vaginal hysterectomy with anterior and posterior colporrhaphy" o vaginal wall repair sa lalong madaling panahon. Isa ito sa mga binanggit ng mga abogado ni De Lima sa kanyang "extremely urgent motion."

Magsisimula ang surgery sa ika-18 ng Hunyo habang magtatagal naman daw ang kanyang medical leave sa piitan hanggang ika-23 ng parehong buwan.

Hinihintay pa naman daw nila kung kakailanganing humiling ng karagdagang araw para sa furlough kung sakaling mangailangan ng dagdag na oras para sa pagpapalakas ng opposition senator.

Taong 2017 pa nang iditena si De Lima dahil sa mga akusasyon tungkol sa diumano'y kamay niya sa kalakalan ng droga, pero giit ng kanilang kampo ay panggigipit lang ito ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang labis na binabatikos.

Humaharap sa dalawang drug charges si De Lima hanggang sa ngayon. Sa kabila nito, matatandaang binawi ng self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa, dating Bureau of Corrections officer Rafael Ragos, Ronnie Dayan ang mga testimonyang nagdidiin noon kay De Lima.

Una nang sinabi ng susunod na Justice secretary na si Cavite Rep. Boying Remulla na handa siyang i-review ang mga kaso ni De Lima. Sa kabila nito, naninindigan si outgoing Justice Secretary Menardo Guevarra na magpapatuloy pa rin ang prosecution ng senadora.

Taong 2019 lang nang iabswelto si De Lima sa isa sa tatlong drug cases na kanyang kinakaharap. — James Relativo

FURLOUGH

LEILA DE LIMA

WAR ON DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with