^

Bansa

Ballot faces na ginamit sa Eleksyon 2022, binura na ng Comelec sa servers ng NPO

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Tuluyang binura na ng Commission on Elections (Comelec) sa servers ng National Printing Office (NPO) ang mga ‘ballot faces’ na ginamit para sa May 9, 2022 national and local elections, kahapon ng umaga.

Sinabi ni Comelec-Education and Information Department (EID) director James Jimenez,na kailangang alisin na ng poll body ang mga ballot faces mula sa NPO servers dahil tapos na ang kanilang operasyon doon.

“Ang mangyayari ngayon is to delete these [ballot faces] from the servers of the NPO and this is preparatory to finally pull it out of the NPO kasi tapos na po ang trabaho ng Comelec dito sa NPO,” paliwanag ni Jimenez.

Bukod sa ‘precinct-specific ballots’ na ginamit sa halalan, buburahin din ng Comelec ang mga ginamit para sa kanilang roadshow, ang mga test ballots, gayundin ay mga balotang ginamit para sa overseas voting.

Tiniyak naman ni Jimenez na magtatabi pa rin sila ng kopya ng mga naturang ballot faces at iba pang datos na ibinahagi nila sa NPO.

Sa pagbura ng mga ballot faces, sensyales umano ito na opisyal nang tapos ang 2022 election sa bansa.

NPO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with