Inflation rate humataw sa 5.4%
MANILA, Philippines — Humataw sa 5.4 percent ang inflation rate sa bansa noong nakaraang buwan mula sa 4.9 percent noong Abril.
Sinabi ni National Statistician and Civil Registrar General Dennis Mapa na ang pagsirit ng inflation rate ay bunga ng pagtaas ng presyo ng ‘food and non-alcoholic beverages.’
Kabilang na ang kamatis, karne ng baboy at bangus, gayundin ang nakakalasing na inumin at sigarilyo.
Nakapag-ambag din ang sektor ng transportasyon dahil sa mabilis at mataas na dagdag sa halaga ng mga produktong-petrolyo, na naging dahilan kaya tumaas ang pasahe sa tricycle.
Nakapagtala sa Metro Manila ng inflation rate na 4.7 noong Mayo mula sa 4.4 noong Abril.
Sa Cordillera Region naitala ang pinakamataas na pagtaas ng inflation rate sa 6.9, samantalang ang pinakamababa naman ay sa BARMM na 2.4.
- Latest