Fuel subsidy sa truck drivers, inihirit
MANILA, Philippines — Isinusulong ng Confederation of Truckers Association of the Philippines na mapalawig pa ng gobyerno ang pagbibigay ng subsidiya sa mga miyembro nito.
Ayon kay CTAP President Maria Zapata, sila ay nakikipag-ugnayan na sa Department of Trade and Industries at isinumite na dito ang listahan ng mga pangalan ng kanilang mga miyembro at bilang ng mga trucks na kanilang inooperate.
“[The DTI is] negotiating but we know that this is not up to the DTI, they are just the facilitator. The decision is with the Department of Energy,” Ani Zapata
Una nang nagpalabas ang gobyerno ng fuel subsidies na umabot sa P6,500 bawat isa sa 115,000 drivers ng mga pampublikong sasakyan at operators sa gitna ng walang hintong pagtaas ng mga petroleum products.
Naniniwala naman si Zapata na agad na kikilalanin at aaksiyunan ng gobyerno ang pangangailangan na mabigyan ng subsidiya ang mga nasa Trucking industry gaya ng umiiral na polisiya sa ibang miyembro ng ASEAN countries dahil sila aniya ay bahagi ng logistic chains.
Nilinaw pa ni Zapata na ang 30% trucking freight rates ay maituturing pa rin na rasonable dahil dumoble ang taas ng halaga ng diesel kumpara noong nakaraang taon.
Aniya, halos 40% - 60% ng gastos sa trucking business ay napupunta sa diesel at ang mga oil companies ay nag-anunsiyo noong Abril 25, 2022 na madaragdagan pa ng 4.10 ang presyo ng diesel habang ang gasolina naman ay 3.00 ang idaragdag sa presyo nito.
- Latest






















