^

Bansa

Nacionalista suportado na kandidatura nina Marcos-Duterte sa Mayo

James Relativo - Philstar.com
Nacionalista suportado na kandidatura nina Marcos-Duterte sa Mayo
Bongbong Marcos and Sara Duterte faces a 140,000-strong crowd in General Trias Cavite, on March 22.
Philstar.com/EC Toledo

MANILA, Philippines (Updated 4:04 p.m.) — Pormal nang ieendorso ng Nacionalista Party — ang pinakamatandang partido pulitikal sa Pilipinas — ang kandidatura nina dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagkapresidente at pagkabise.

"For the May 2022 elections, the Nacionalist Party fully supports the candidacies of Ferdinand 'Bongbong Marcos, Jr for President and Inday Sara Dutete for Vice President," ayon sa pahayag na nilagdaan ni NP president at dating Senate President na si Manny Villar, Martes.

"We believe that Bongbong and Inday Sara's message of unity is crucial in binding our country together and inspiring our people as we rebuild not only from the pandemic but also from the political chasm that divides us."

 

 

Matatandaang miyembro ng Nacionalista si Bongbong bago lumipat ng Partido Federal ng Pilipinas nitong ika-5 ng Oktubre, 2021.

Bago maging bahagi ng NP, nanggaling si Marcos sa partidong Kilusang Bagong Lipunan na itinayo ng tatay niya at napatalsik na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. Si Sara ay anak ng Pangulong Rodrigo Duterte.

"They both have the platforms of government, qualifications and track record to lead our country towards unity and prosperity," panapos ni Villar, na kumandidato rin sa pagkapresidente ngunit natalo noong 2010.

Ipinagmamalaki ni Villar ang mga plataporma nina Marcos bagama't "unity" ang madalas nilang bukambibig tuwing kampanya. Hindi niya rin gaano ito napapaliwanag sa madla sa pag-iwas sa mga presidential debates.

Kung track record ang pag-uusapan, 54 panukalang batas ang naipasa ni Marcos noong siya'y nanunungkulan pang senador noong 15th at 16th Congress — pero halo-halo na riyan ang mga siya ang author, co-author, sponsored at co-sponsored niya, ayon sa kanyang website.

Pagtitiyak ng panalo?

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang kampo nina Bongbong sa pamunuan ng dati niyang partido para sa lalong paglawak diumano ng suporta ng kanilang hanay ni Inday Sara.

"The NP endorsement will surely serve as another insurance to the bandwagon of support for the UniTeam from political parties which comes at a times when a clear 61% majority of our people have again made known their preference for Bongbong Marcos to be our next president founded on an equally high 53% trust rating in him," ani Vic Rodriguez, tagapagsalita ng Marcos.

"Indeed, unity is what will hold our country together as we look ahead into the future of making us, Filipinos, world class citizens with nation building as our ultimate collective goal."

Matatandaang 60% sa mga nakapanayam ng Pulse Asia noong Pebrero ang nagsabing iboboto nila si Marcos kung ginanap noong araw ng survey eleksyon. — may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag

vuukle comment

2022 NATIONAL ELECTIONS

BONGBONG MARCOS

NACIONALISTA PARTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with