^

Bansa

Desisyon sa minimum wage hike, malalaman bago Mayo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Desisyon sa minimum wage hike, malalaman bago Mayo
“Kumikilos na ang mga regional wage board… Nagbigay na tayo ng gabay sa kanila at may utos na rin si Secretary Bello na pabilisin ang proseso,” ani DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay.
Geremy Pintolo / File

MANILA, Philippines — Inaasahang bago pa pumasok ang buwan ng Mayo ay maglalabas na ng desisyon sa mga petisyon hinggil sa hinihinging umento sa sahod ng mga manggagawa sa buong bansa.

“Kumikilos na ang mga regional wage board… Nagbigay na tayo ng gabay sa kanila at may utos na rin si Secretary Bello na pabilisin ang proseso,” ani  DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay.

“Bago ang Mayo, malalaman na ang desisyon kaugnay sa wage increase petitions” dagdag pa ni Tutay.

Ang Labor unions alliance Unity for Wage Increase Now! ay nagsagawa ng rally sa National Capital Region Wage Board office upang igiit ang pag-apruba sa kanilang petisyon na maitaas sa P750 ang minimum wage.

Samantala, ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ay umapela ng karagdagang P470 kada araw sa minimum wage sa NCR upang umabot ito sa P1,007.

Una nang iniutos ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa Regional Tripartite Wages and Productivity Boards na repasuhin ang minimum wages sa buong bansa.

Sinabi ni Bello na hindi sasapat ang P537 daily minimum wage sa NCR para sa mga gastusin sa pagkain, at bayarin sa kuryente at tubig.

Suportado naman ng Malakanyang ang naging pasiya ni Bello na repasuhin ang minimum wage.

         

MAYO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with