^

Bansa

DILG ibinida 73.7% 'pagbaba ng kriminalidad' sa unang 5 taon ni Duterte

Philstar.com
DILG ibinida 73.7% 'pagbaba ng kriminalidad' sa unang 5 taon ni Duterte
Police prepare to enforce the granular lockdown in Barangay 351, Sta. Cruz, Manila before dawn in this March 2021 photo
The STAR, File

MANILA, Philippines — Kung paniniwalaan ang Department of the Interior and Local Government (DILG), "lagpas kalahati" ang naiawas sa crime rate ng Pilipinas simula nang umupo si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 hanggang 2021.

Ito ang inilahad ni Interior Secretary Eduardo Año, Lunes, sa katatapos lang na talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa state media.

"‘Pag titingnan po natin ang comparison mula po noong 2016 hanggang 2021, nakikita po natin na bumaba ng 73.76% ang crime rate. Ang mga taong ito po, Mr. President, ay saklaw po ng inyong panahon ng panunungkulan," ani Año kagabi.

"Kaya’t patuloy itong mas naging ligtas sa ating mga komunidad sa tulong ng inyong programa kontra kriminalidad. So ito pong figure na 'to makikita natin na mula 131,699, pagdating po ng 2021 ay 34,552 na lamang ang index crimes."

Sinasabing nagmula ang datos mula sa ulat ng Philippine national Police (PNP), na nakapansin daw aniya ng pagbaba ng kabuuuang insidente ng krimen.

Mapapansin din daw na may pagbaba ng 3.66% mula sa total crime incidents kung ikukumpara ang 2020 sa katatapos lang na 2021, kung saan mula sa 374,277 ay nakapagtala na lang ng 360,573 bilang ng krimen.

Ang mga datos noong 2020 at 2021 ay nangyari sa gitna ng COVID-19 pandemic, kung saan nagpatupad ang gobyerno ng kaliwa't kanang lockdowns at pagkontrol sa paglabas-masok ng taumbayan mula sa kanilang mga bahay. 

Nagpatupad din ng mahihigpit na pagkontrol sa paglalakbay at nilimitahan ang mga aktibidad na maaaring gawin mula Luzon, Visayas at Mindanao.

'Seryosong krimen dumapa rin'

Dagdag pa ni Año, mapapansin din ang pagbulusok ng bilang ng mga nangyaring karumal-dumal na krimeng madalas mangyari na kung tawagin ay "index crimes."

Kabilang sa mga index crimes ang murder, homicide, rape, robbery, ang carnapping, physical injuries, at walo pangspecial complex crimes.

"So ito pong figure na 'to makikita natin na mula 131,699, pagdating po ng 2021 ay 34,552 na lamang ang index crimes," dagdag pa ng DILG official.

"Sa kabilang side naman po, itong peace and order indicator, ito po 'yung pinagsama natin ng index crime at saka non-index crime. So makikita po natin sa peace and order indicator na kung saan ay bumaba po ng 5.69% noong 2021 kumpara sa 2020."

Kung susumahin naman daw ang period mula nang umupo si Duterte hanggang 2021, kapansin-pansin namang 37% ang ibinaba ng ng peace and order indicator — mula 377,766 patungong 211,237.

Dagdag ni Año, nangangahulugan daw itong "nararamdaman" ng mga Pilipino anbg pagganda ng peace and order situation habang tumataas ang kumpiyansa nilang ligtas sila sa mga kriminal. 

Nangyayari ang lahat ng ito habang idinidiin ang administrasyon ni Digong sa paglabag diumano ng karapatang pantao at madugong war on drugs, na nakapatay na ng 6,225 katao ayon sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency. 

Setyembre 2021 lang nang aprubahan ng International Criminal Court ang full investigation sa gera kontra droga at human rights situation sa Pilipinas.

Kahapon lang din nang sabihin ng Commission on Human Rights na posibleng makasuhan ang mga pulis dahil sa diumano'y kwestyonableng paraan ng pag-aresto nila sa isang community doctor na dating secretary general ng human rights group na Karapatan-Caraga. — James Relativo

CRIME RATE

CRIMINALITY

DILG

HUMAN RIGHTS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with