^

Bansa

Giit ng PASAHERO partylist: Trike drivers isali sa fuel subsidy program

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinimok ng PASAHERO Partylist ang pamahalaan na palawigin ang pagkakaloob ng fuel assistance sa public utility vehicles at ibilang na rito ang mga tricycle drivers.

Ayon sa partido, tulad ng ibang sektor ng transportasyon, nagdurusa rin sa kasalukuyan ang “tatlong gulong” sector dahil sa krisis dulot ng pandemya.

Ayon kay PASAHERO Partylist founder Robert Nazal, kung may sektor na pinakamatinding hinagupit ng pandemya, ito ay ang “tatlong gulong” sector.

“Humina ang kanilang pasada, tumaas ang presyo ng langis pero wala silang natanggap na ayuda mula sa national government, at sa kabila nito hindi naman tumaas ang kanilang pasahe,” malungkot na pahayag ni Nazal.

“Panahon na para bigyan na rin natin ng fuel subsidy ang ating tricycle drivers dahil ­higit nilang kailangan yan ngayon. Pagkilala na rin po ‘yan sa naging papel nila ngayong pandemya dahil sila ang pangunahing mode of transport ng mga kababayan natin sa kasagsagan ng COVID pandemic,” saad naman ni PASAHERO co-founder Allan Yap.

Ang PASAHERO Partylist o ang Passengers and Riders Organization Inc., ay isang non-stock and non-profit organization na naglalayong ikatawan sa kongreso ang mga mananakay ng iba’t ibang uri ng transportasyon na kinabibilangan ng tricycle drivers and operators.

PASAHERO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with