^

Bansa

Eleazar inendorso ng El Shaddai

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Eleazar inendorso ng El Shaddai
Si senatorial candidate at dating PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar nang iendorso ni El Shaddai servant leader Bro. Mike Velarde.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Inendorso ng El Shaddai, isa sa mga malala­king religious groups na pinamumunuan ni Bro. Mike Velarde, ang kandidatura sa pagkasenador ni dating PNP chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar sa ilalim ng Partido Reporma.

Sa ginanap na El Shaddai activity sa Parañaque City,  igiit ni Velarde na dapat na maging matalino at maingat ang Pilipino sa pagpili at paghalal sa mga lider o mamumuno sa bansa.

Kailangan aniya ang pagkakaisa at susunod sa  kasabihang Latin na “Vox Populi, Vox Dei”, na nanga­ngahulugang “voice of the people is the voice of God”.

Nagpasalamat naman si Eleazar sa tiwala at pagkilala ni Velarde upang mapabilang sa mga senador na magpapa-isa sa mga Pilipino. Aniya, hindi niya sisirain ang tiwala ni Velarde at El Shaddai sa paglilingkod sa bayan dahil mahalaga sa kanya ang  dignidad at integridad.

Layon ni Eleazar na pag-ibayuhin pa ang peace and order sa bansa upang maramdaman ng bawat Pilipino na ligtas ang lugar na  kanilang  ginagalawan at makita ang kahalagahan ng  pamilya.

Dagdag pa ni  Eleazar na mahalagang gawin ang  nararapat at tama kahit sa maliit na paraan at panatilihin ang  integridad. Ito rin aniya ang kanyang ipinatupad sa kanyang  serbisyo  noong siya ay nasa PNP.

vuukle comment

EL SHADDAI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with