^

Bansa

Amended charter ng PVB Act ipatutupad na sa Enero 21

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magsisimula ng bagong kabanata ang Philippine Veterans Bank (PVB) matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11597 o Philippine Veterans Bank Act.

Nakasaad sa Philippine Veterans Bank Act, mada­ragdagan ang kapitalisasyon ng bangko bukod pa sa magiging shareholders na ang mga beterano ng World War, bukod pa sa magiging prayoridad na sila at kanilang pamilya.

Magiging epektibo ang RA 11597 sa darating na Enero 21.

Sa pagbabago ng charter ng PVB, ikukunsidera na rin ‘beterano’ ang mga retirado ng Armed Forces of the Philippines at mapapanatili naman nito ang status na government depository bank kaya maari itong tumanggap ng deposito mula sa mga ahensiya ng gobyerno, local government units (LGUs) at government corporations.

“On behalf of PVB’s Board of Directors, employees and staff, I would like to give our thanks to President Rodrigo Duterte for signing the “Philippine Veterans Bank Act” into law demonstrating once again his strong support of the veterans community for which veterans extend their gratitude. And we extend our gratitude as well to the authors and sponsors of RA 11597 for without them, this amended charter wouldn’t have become a reality,” ayon kay PVB Chairman at CEO Roberto F. De Ocampo.

Pinuri rin ng PVB ang pagpasa ng RA 11597 dahil ito ay magpapahintulot sa bangko na ipagpatuloy ang misyon at layunin nito na pagsilbihan ang mga Pilipinong beterano at kanilang mga pamilya.

PVB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with