^

Bansa

Permanent evacuation center sa Pinas, isusulong ni Eleazar

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil ang Pilipinas ay daanan ng bagyo, iminumungkahi ni Senatorial aspirant Guillermo Eleazar na dapat magkaroon ng permanenteng evacuation centers  ang  bawat komunidad sa buong bansa na agad na masisilungan ng mga naapektuhan.

Ang mungkahi ni Eleazar ay bunsod ng kakulangan ng mga ­evacuation centers kung saan ginagamit na rin ang mga covered courts, barangay hall at  paaralan.

“Mas mainam kung ang bawat city o municipality ay may nakahandang evacuation facility upang hindi na rin natin gagamitin ang ibang mga pasilidad tulad ng paaralan o mga court,” ani Eleazar.

Aniya, dapat na planuhin ng pamahalaan  ang  pagpapatayo ng permanent evacuation centers  para sa mga biktima ng iba’t ibang kalamidad kabilang na ang  bagyo at lindol.

Sinabi ni Eleazar na kailangan na maging handa ang lahat  sa iba’t ibang uri ng kalamidad kaya ila­laban  niya sa Senado ang pagpapatayo ng evacuation ce­nters na  matibay at maayos na pasilidad upang maging maginhawa ang pamamalagi ng mga naapektuhan hangga’t hindi pa maaaring bumalik sa kanilang tahanan.

Dagdag pa nito, ang Department of Public Works and Highways ang dapat na maglaan ng budget sa pagpapatayo ng mga permanent evacuation centers.

ELEAZAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with