Guerilla fronts sa Zamboanga Peninsula, lusaw na – Esperon
MANILA, Philippines — Nabuwag na ng Regional Task Force-End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) ang halos lahat ng guerilla fronts sa Zamboanga Peninsula sa tulong ng kapulisan at militar at ang nalalabing dalawa ay humina na ang pwersa.
Ayon kay NTF-ELCAC Vice Chairman at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., ang kaayusan at katahimikan sa rehiyon ay natamo sa pagtutulungan ng mga security officials at regional offices ng national government agencies.
Anya sa Zamboanga Peninsula, umaabot sa 86 proyekto ng BDP ang kasalukuyang isinasagawa para sa 34 barangays na hindi na nasasakop ng CPP-NPA-NDF 2016 hanggang 2019.
Ngayong Huwebes, takdang magtungo sa Zamboanga Peninsula (Region 9) si Pangulong Rodrigo Duterte upang personal na makita ang progreso ng mga proyekto sa rehiyon sa ilalim ng Barangay Development Program (BDP).
Sa susunod na taon, aabot sa 39 barangays mula sa Region 9 ang maisasali na sa listahan ng BDP o yung mabibigyan ng tig-P20 milyong halaga ng proyekto gaya ng farm-to-market roads, school buildings, health centers, water sanitation, livelihood at tulong pinansiyal para sa mga mahihirap.
- Latest






















