^

Bansa

Lacson-Sotto negatib sa droga matapos ispluk ni Duterte na may kandidatong 'nagko-cocaine'

James Relativo - Philstar.com
Lacson-Sotto negatib sa droga matapos ispluk ni Duterte na may kandidatong 'nagko-cocaine'
Litrato nina Senate President Vicente "Tito" Sotto III at Sen. Panfilo Lacson habang nagpapatest para sa droga, ika-22 ng Nobyembre, 2021
Mulsa sa Facebook page ni Senate President Vicente "Tito" Sotto III

MANILA, Philippines — Kusang sumailalim sa drug testing sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang standard bearers ng Partido Reporma at Nationalist People's Coalition, bagay na nagnegatibo sa pagsusuri ng mga dalubhasa.

Ginawa ng 2022 presidential at vice presidential tandem nina Sen. Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III ang pagpapa-drug test sa PDEA ilang araw matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na may kumakandidato sa pagkapangulong gumagamit ng iligal na droga.

"Urine speciments collected from VICENTE SOTTO III and PANFILO LACSON do not contain any dangerous drug under [Republic Act] 9165," ayon sa chemistry report ng PDEA, Lunes.

"Screening examination conducted on specimen IDs PDEANCR-DT21-080-001 to 002 gave NEGATIVE results for the presence of Methamphetamine, MDMA, Cocaine, and their metabolites, as well as THC metabolite."

 

 

Ayon sa paskil ni Sotto sa kanyang Facebook page, pinili nila ni Lacson ngayong araw ang paggamit ng multi-drug testing kit para masura ang lahat ng uri ng iligal na droga na pwedeng matagpuan sa sistema ng tao.

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang sabihin ni Sotto na dapat boluntaryong magpa-drug test ang mga kandidato sa 2022, maliban pa sa pagsasapubliko ng kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) sa ngalan ng transparency.

Kanina lang nang sabihin ni Philippine National Police chief Gen. Dionardo Carlos na hahayaan na nila ang Commission on Elections pagdating sa paglalabas ng panuntunan sa posibleng mandatory drug testing sa national candidates, kasunod ng alegasyon ni Duterte sa isang kandidatong ayaw pangalanan.

Ito'y kahit matagal nang nagdesisyon ang Korte Suprema na labag sa Saligang Batas ang mandatory drug tests na ito.

"The most that we can do is to support the suggestion for political aspirants to submit themselves to a voluntary drug test to prove to their followers and supporters that they are clean," ani Carlos.

"We will be ready to facilitate, and we can use our PNP Forensic Group, but let us cross the bridge when we get there... Once the result is out, the PNP will immediately submit it to the requesting body. An investigation will follow if someone will test positive for drug use."

Presidential blind item

Ika-18 lang ng Nobyembre nang sabihin ni Duterte sa isang talumpati ang kanyang pasaring sa isang presidential candidate na gumagamit diumano ng cocaine.

"I will not make it clear now, there has been a presidential candidate na nag-cocaine," sabi ni Duterte, na tatakbo sa pagkasenador.

"Bakit ang Pilipino parang lokong-loko na supporting... Magtanong lang ako sa inyo. Ano ang ginawa niyan? Nagdodroga ‘yan ng... cocaine ang tirada niya. Itong anak ng mga mayayaman, lahat dito sa Maynila pati sa Davao isang grupo ‘yan, tirada niyan cocaine."

"I am not... hindi ako nag-iintriga. Bahala kayo. Find out sino. Kayo magtanong kayo sa Davao kung may kilala kayo. Ang mga taga-Maynila, iyong mga mayayaman talaga. May-ari ng biggest banana plantation."

Wala mang pinangalanan, pinasaringan naman ni Bayan Muna Rep. Carlo Zarate si dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. bilang nasa likod ng "cocaine" allegations. Ginawa niya ito habang binabanggit ang "bong" at "solid snort" na iniuugnay sa "Solid North" na balwarte ng mga Marcos sa Ilocos.

Sinabi na ng kampo ni Marcos na hindi naman daw ang dating senador ang tinutukoy ng pangulo.

Inilabas ni Duterte ang kanyang parinig sa nasabing 2022 candidate ilang araw bago niya sabihing "weak leader" si Bongbong, dahilan para hindi niya raw papayagan ang alyansa ng partidong PDP-Laban at PDDS sa Lakas-CMD ni Davao City Mayor Sara Duterte, na kakandidatong bise presidente ni Marcos.

Taong 2016 lang din nang ikampanya si Marcos ng impluwensyal na Floirendo-Lagdameo family sa Davao, na kilala sa kanilang mga banana plantations. 

2022 NATIONAL ELECTIONS

COCAINE

ILLEGAL DRUGS

PANFILO LACSON

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

RODRIGO DUTERTE

VICENTE

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with