^

Bansa

Presidential bet Leody de Guzman ibabasura anti-terror law, red-tagging task force kung mananalo

Philstar.com
Presidential bet Leody de Guzman ibabasura anti-terror law, red-tagging task force kung mananalo
Undated file photo shows labor leader Leody de Guzman at a protest.
Mula sa Facebook ni Leody de Guzman

MANILA, Philippines — Kung papalaring masungkit ang pinakamataas na posisyon sa gobyerno, ipababasura ng isang sosyalistang kandidato sa pagkapangulo ang ilang kontrobersyal na batas at ahensya ng gobyernong sumasagka diumano sa mga kritiko.

Ang Anti Terrorism Act of 2020 ay kilala para sa ilang probisyon ng warrantless arrests, paniniktik, kawalan ng danyos sa mga inosenteng aakusahang terorista, atbp. na maaari raw magamit sa mga ligal na aktibista't dissenters, ayon sa ilang grupo't nagpepetisyon sa Korte Suprema laban dito.

"Iparerebisa ko iyan hanggang sa ma-repeal 'yan dahil isa itong panunupil sa karapatang pantao, isang paraan ng marahas na pamumuno," ani Bukluran ng Manggagawang Pilipino chair Leody De Guzman sa Pandesal Forum, Lunes.

"Hindi ako sang-ayon sa marahas na pamumuno."

Ang naturang batas ang itinuturing na isa sa pinaka-kwinekwestyong batas sa kasaysayan ng Pilipinas, na siyang ipinepetisyon ngayon sa Korte Suprema dahil sa posibleng epekto sa malayang pamamahayag at pagkilos laban sa palakad ng gobyerno.

Kilalang lider-manggagawa at kumikiling sa pulitikang Kaliwa si De Guzman, na siyang madalas ma-red-tag at maugnay sa mga rebeldeng komunista — kahit walang malinaw na batayan.

Kabilang din sa nais niyang ipabasura kung mananalo sa 2022 ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na ilang beses nang umaatake't nag-uugnay sa mga aktibista't celebrities sa Communist Party of the Philippines-New People's Army.

Panukala tuloy ni De Guzman, ilaan na lang ang bilyun-bilyong pondo ng NTF-ELCAC para sa taong 2022 sa mga medical frontliners upang makatamasa ng mas magandang benepisyo sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Senatorial line-up ni Ka Leody

Sabado lang nang ilabas ng sosyalistang lider ng BMP ang susuportahang senatorial line-up.

Aniya, sila raw ang inaasahan niyang makatutulong sa pagsusulong interes ng manggagawa't magsasaka, pagtatapos ng kontraktwalisasyon, pagtataas ng sahod, atbp:

  • labor leader Luke Espiritu
  • environmentalist Roy Cabonegro
  • environmentalist David D’angelo
  • Bayan Muna chairperson Neri Colmenares
  • Sen. Leila de Lima
  • human rights lawyer Chel Diokno
  • Sen. Risa Hontiveros
  • Kilusang Mayo Uno chairperson Elmer Labog
  • Federation of Free Workers president Sonny Matula

— James Relativo

2022 NATIONAL ELECTIONS

ANTI TERROR LAW

LEODY DE GUZMAN

NTF-ELCAC

RED-TAGGING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with