Record-high uli: Utang ng Pilipinas lumobo na sa P11.64T sa pagtatapos ng Agosto
MANILA, Philippines — Umabot na sa P11.64 trilyon sumatutal ang outstanding debt ng pamahalaan sa pagtatapos ng Agosto 2021 — ang pinakamataas sa kasaysayan ng Pilipinas, bagay na natataon kasabay ng COVID-19 pandemic.
Nahigitan na nito ang nakaraang record-high government debt na P11.61 trilyon noong Hulyo, bagay na naabot noon sa pagtaas ng borrowings ng gobyerno para mapunan angmga pangangailangan sa pandemic response.
"For August, the [National Government's] total debt increased by P32.05 billion or 0.28% due to domestic debt issuance as part of government financing," wika ng Bureau of Treasury sa isang pahayag, Huwebes.
Kung hahatiin ang utang bansa, ganito ang itsura niyan:
- utang panloob (P8.22 trilyon)
- utang panlabas (P3.42 trilyon)
Mas malaki nang P100.7 bilyon ang domestic debt noong panahong nabanggit, o mas malaki ng 1.2% kumpara noong pagtatapos ng Hulyo 2021 bilang resulta ng "net issurance" ng government securities.
Nabawasan naman ng P68.55 bilyon, o 2% na mas maliit, ang external debt kumpara sa nakaraang buwan. Bumaba ito dahil sa net repayment ng foreign loans na pumapatak sa P34.22 bilyon.
"Year-to-date growth in domestic obligations amounts to P1.53 trillion or 22.79% from the beggining of the year," dagdag pa ng BOT.
"[National Government] external debt has increased by P321.90 billion or 10.4% from the end-December 2020 level."
Agosto lang nang itaya ng gobyerno na papalo sa P13 trilyon mark ang outstanding debt ng Pilipinas sa 2022, bagay na pumepwersa sa pamahalaang bagalan ang paghiram nito mula sa lokal at dayuhang financiers nang halos 20%. — James Relativo
- Latest