^

Bansa

CHR ikinatuwa paglusot ng 'mas mataas na statutory rape age' sa ika-2 pagdinig ng Senado

Philstar.com
CHR ikinatuwa paglusot ng 'mas mataas na statutory rape age' sa ika-2 pagdinig ng Senado
Senate President Vicente Sotto III presides over the continuation of the Committee of the Whole inquiry into government’s COVID-19 vaccination program on January 15, 2021. Sen. Francis Tolentino (left) and Sen. Panfilo Lacson (right) are pictured beside him.
Henzberg Austria / Senate PRIB

MANILA, Philippines — Suportado ng Commission on Human Rights (CHR) ang desisyon ng Senado na mai-adjust ang edad para makapagsampa ng "statutory rape" sa Pilipinas, bagay na matagal nang hiling ng maraming sektor.

Kasaluyan kasing nasa 12-anyos ang "age of sexual consent" sa bansa, ang ikalawang pinakamababang edad sa pag-determine ng statutory rape sa mundo. Layon ng Senate Bill 2332 na itaas ito sa 16 sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Revised Penal Code.

Ika-21 ng Setyembre nang maipasa ito sa ikalawang pagdinig ng Senado, bagay na naisakatuparan matapos ang pagkahaba-habang debate sa panukala.

"At 12 years old, the Philippines has the lowest age to determine statutory rape in Asia and second lowest in the world next to Niger at 11 years old. Children around this age have not yet reached full emotional maturity to allow them to make sound decisions," wika ni CHR spokesperson Jacqueline Ann de Guia, Biyernes.

"Likewise, based on government data, children aged 14 to 18 are most vulnerable to rape and incest."

Dagdag pa nila, outdated na rin ang sexual consent para sa mga 12-anyos lalo na't nakasaad sa batas na hindi pwedeng makapag-access ang mga menor de edad pagdating sa reproductive health, family planning at HIV testing services kung walang pahintulot ng mga magulang.

Bukod pa rito, pinalalawig ng SB 2332 ang pakahulugan ng pagsasamantala (rape) patungong krimen na pwedeng gawin ng sinuman sa iba pa, anuman ang kasarian. Ang kasalukuyang depenisyon kasi nito ay sumasaklaw lang sa pagitan ng lalaki at babae.

"As a signatory to the United Nations Convention on the Rights of the Child, and the Convention on the Elimination of Discrimination Against Women, among others, the Philippines is bound to its State obligation to ensure the protection of children from all forms of sexual exploitation and sexual abuse," wika pa ni De Guia kanina.

"Although ending the horrendous act of child rape in the country might take a longer time to realise, the Commission strongly lobbies for the immediate passage of Senate Bill No. 2332 as it would be a landmark legislation in ensuring children’s protection against rape and other abuses."

Kung tuluyang maipapasa bilang batas, ituturing na "statutory rape" ang pakikipagtalik sa 16-anyos pababa kahit na may pagpayag (consent) sa panig ng bata. 

Sa ilalim ng Article 337 ng Revised Penal Code, "qualified seduction" na ang pwedeng ikaso kapag nakipagtalik sa edad 12-17 taong gulang kung ang gumawa nito ay isang "otoridad, pari, home-servant, domestic, guardian, guro o sinuman, sa anumang kapasidad, na pinagkatiwaan ng edukasyon o kostodiya ng babaeng inakit." May kulong itong hindi bababa sa anim na buwan mahigit hanggang dalawang taong mahigit.

'Matagal nang inaantay na batas'

Ang naturang panukalang batas ay ini-sponsor nina Sen. Richard Gordon at iniakda nina Sen. Juan Miguel Zubiri at Sen. Risa Hontiveros.

"As the father of three young kids, this is really important bill to me," ani Zuburi sa isang pahayag nitong MIyerkules.

"At alam ko pong marami na ring ibang mga magulang at mga grupong naghihintay sa panukalang ito."

"This is a landmark bill that will protect so many children, and we're very hopeful that the bill will sail swiftly from here on out. We were able to hash out the finer details of it in the plenary, and we're looking forward to its passage." 

Ika-1 ng Disyembre taong 2020 nang ipasa naman ng Kamara sa ikatlo at huling pagdinig ang kahalintulad na panukala sa pamamagitan ng House Bill 7836.

Oras na maipasa ang SB 2332 sa Senado, aantayin na lang ang pirma ni Pangulong Rodrigo Duterte para tuluyan itong maging batas. — James Relativo

COMMISSION ON HUMAN RIGHTS

CONSENT

SENATE OF THE PHILIPPINES

STATUTORY RAPE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with