^

Bansa

Villar, muling nanawagan para sa malusog na kapaligiran

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa pakikiisa sa pagdiriwang ng “National Clean Up Month” nga-yong Setyembre sa bisa ng Proclamation No. 244, muling nanawagan si Senator Cynthia A. Villar para sa isang malinis at luntiang kapaligiran.

Ipinagdiriwang din ang World Clean and Green Week sa September 17 hanggang 23 kada taon.

Sa okasyong ito, h­i­ni­­hikayat ang mga ko­mu­­nidad na linisin at panati­liin ang kanilang kapaligiran bilang ambag sa “worldwide environmental pre-servation efforts.”

Bago ang pandemya, pinangungunahan ni Villar, chairperson Committee on Environment and Natural Resources, ang mga pag­lilinis at Mangrove plan-ting sa iba’t ibang lugar sa National Capital Region.

“We would like to again and again instill in the minds of the public awareness on the importance of having a clean and green environment in our lives, especially now that we are facing a global health  crisis,”ayon kay Villar.

Bukod sa mangrove planting, itinutulak din ng senador ang urban gardening kasabay ng paulit-ulit na panawagan sa publiko na magtanim ng sarili nilang pagkain kahit sa kapirasong lupa o walang laman na lata o plastik.

Aktibo ring lumalahok si Villar sa mga programa para linisin at ayusin ang Manila Bay na mayroong pinaka-magandang sunset sa buong mundo.

CYNTHIA A. VILLAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with