BMAP inilunsad ang Unified #FightFraudTogether Campaign
MANILA, Philippines — Inilunsad ng Bank Marketing Association of the Philippines (BMAP) ang #FightFraudTogether information campaign para madagdagan ang kaalaman ng mga konsuymer at maging maingat sila laban sa mga cybercrime at panloloko.
Ayon sa BMAP, dahil sa pandemya ay nagpasigla ng paggamit at pagbayad ng pera online, at ito rin ay nagbunsod ng mga kaso ng cybercrime at panloloko sa pamamagitan ng iba’t ibang mga paraan ng scamming, kagaya ng phishing, smishing, SMS scam, ransomware at iba pa, habang lumilipat ang mga konsyumer sa digital transactions.
“Nagbago na ang mga paraan ng mga cyber criminals at nag-iba na rin ang mga panloloko nila sa online shopping, payments at transactions. Ang mga modus operandi nila ay naging mas malawak at mahirap makita. Nanga-nganib ang bansa sa mga cyber-attacks at fraud incidents dahil sa isang social-savvy population,” giit nito.
Tinatawagan ng pansin ng BMAP ang publiko na maging mapagbantay, sikapin at huwag pakampante pagdating sa cybersecurity.
“Lalong magbibigay-paalala ang mga bangko upang ang mga kliyente at publiko ay balaan at iwasan ang mga manlolokong ito. Sa ating pagkakaisa, inihahayag natin ang mensahe na malaking usapin ang cybercrime at fraud,” ayon kay BMAP President Mike Villa-Real.
- Latest