^

Bansa

PDP-Laban magiging dehado: Mga miyembro nagbabaliktaran

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
PDP-Laban magiging dehado: Mga miyembro nagbabaliktaran
Kasabay nito, bumaliktad na rin ang kilalang party leader ng administrasyon at kaibigan ni Espino na si dating Transportation Undersecretary Thomas “Tim” Orbos at ngayon ay sinusuportahan at isa sa mga nagtutulak kay Manila Mayor Isko Moreno na tumakbo bilang pangulo sa 2022 election.
Philstar.com/ File

MANILA, Philippines — Posibleng maging dehado ang mga kandi­dato ng PDP-Laban matapos talikuran ng party leaders sa Pangasinan sa pangunguna ni Gov. Amado Espino III ang 41 kasamahang gobernador na pumirma para sa isang “collective statement” na sumusuporta sa nominasyon sa pagtakbo ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang vice president sa darating na election.

Kasabay nito, bumaliktad na rin ang kilalang party leader ng administrasyon at kaibigan ni Espino na si dating Transportation Undersecretary Thomas “Tim” Orbos at ngayon ay sinusuportahan at isa sa mga nagtutulak kay Manila Mayor Isko Moreno na tumakbo bilang pangulo sa  2022 election.

Si Orbos ang lead convenor ngayon ng “Ikaw Muna Pilipinas”, isang political movement na susuporta kay Moreno sa kanyang presidential bid.

Una ng tumakbo sa ilalim ng PDP Laban sina Orbos at Espino noong 2019 midterm election, ngunit natalo ang una ni Arnold Celeste bilang kongresista ng unang distrito ng Pangasinan.

“It was really surpri-sing and unusual that Espino, who is the sitting PDP-Laban governor in Pangasinan, did not sign the ‘collective statement’ supporting the decision of President Duterte to run for vice president in next year’s polls,” ani ng isang maimpluwensiyang political leader sa Region 1 na ‘di na nagpabanggit ng pangalan.

Nakapagtataka aniya na hindi pumirma si Espino III sa nasabing collective statement gayung ang ama niya na si dating Rep. Amado Espino Jr. ay chairman ng PDP-Laban sa Pangasinan kung saan ang huli ay natalo ni Ramon Guico III sa nakaraang election bilang kongresista sa ika-5 distrito ng Pangasinan. Habang si Guico ay nagpahayag na tatakbong gobernador ng lalawigan sa susunod na halalan.

Sa nasabing collective statement ng 41 Gobernador, nakasaad na tinatanggap ng mga ito ang nominasyon upang makatakbo sa pagkabise presidente si Duterte habang si Sen. Bong Go naman ay sa pagkapangulo.

Samantala, ang mga political leaders sa Caga-yan Valley na kasapi ng Ikaw Muna Pilipinas, ay naniniwalang si Moreno ang tamang leader na dapat maihalal sa bansa lalo kung pagbabatayan ang magagandang performance nito sa Maynila bilang Alkalde.

AMADO ESPINO III

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with