^

Bansa

3 taong 'ban' sa paglilisensya ng bagong pasugalan tinapos na ni Duterte

Philstar.com
3 taong 'ban' sa paglilisensya ng bagong pasugalan tinapos na ni Duterte
File photo ng mga makinang ginagamit sa mga casino.
AFP

MANILA, Philippines — Magpapaunlak na ng mga aplikasyon para sa pagtatayo ng mga bagong casino ang gobyerno matapos pagbawalan ng gobyerno nang mahigit tatlong taon.

'Yan ang ipinahayag ni Andrea Domingo, chairperson ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor), matapos ang moratorium na ipinataw noon ni Pangulong Rodrigo Duterte pagdating sa pagproproseso ng bagong lisensya para sa mga casino.

"Si Presidente ang nag issue ng moratoruim noong 2018 kaya yon ang ginawa namin walang bagong applications kaming tinanggap. Ngayon nilift na rin niya kaya pwede na ulit kaming tumanggap ng applications for casino licenses," ani Domingo, Biyernes, sa ulat ng CNN Philippines.

"I will implement this new policy effectively but coupled with a strong responsible gaming project primarily aimed at preventing minors from playing."

Dati nang ibinalita ng Pagcor na ipinatigil ni Digong ang operasyon ng mga panibagong pasugalan para mapigilan ang "overcrowding sa gaming industry.

Oktubre ng nasabing taon nang sabihin ng Pagcor na payag sila sa pagpapakansela ng presidente sa lahat ng license to operate ng mga casino sa Isla ng Boracay, bagay na hiningi ng Boracay Interagency Task Force (BIATF).

Sa kabila nito, maaalalang lumago ang mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGOs) sa sa bansa nitong mga nagdaang taon, kung saan nagtratrabaho ang maraming Chinese nationals.

Taong 2020 nang umabot sa P50 bilyon ang hindi nababayarang buwis ng mga POGOs sa Bureau of Internal Revenue (BIR). — James Relativo

CASINO

GAMBLING

PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORPORATION

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with