^

Bansa

Bagyong 'Gorio' lalakas pa, magiging tropical storm sa loob ng 12 oras

Philstar.com
Bagyong 'Gorio' lalakas pa, magiging tropical storm sa loob ng 12 oras
Bandang 10 a.m. nang mamamataan ng PAGASA ang Tropical Depression Gorio 730 kilometro hilagangsilangan ng Itbayat, Batanes.
Released/PAGASA

MANILA, Philippines — Tuluyan nang naging bagyo ang noo'y low pressure area na nakapasok ng Philippine area of responsibility (PAR), bagay na nakikitang lalakas pa sa mga susunod na mga oras, ayon sa state weather bureau.

Bandang 10 a.m. nang mamamataan ng PAGASA ang Tropical Depression Gorio 730 kilometro hilagangsilangan ng Itbayat, Batanes.

  • Lakas ng hangin: papalo hanggang 45 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: aabot ng 55 kilometro kada oras
  • Pagkilos: 20 kilometro kada oras pa-silangan hilagangsilangan

Sa kabila nito, hindi nakikita ng PAGASA na makaaapekto nang direkta sa lagay ng panahon ng Pilipinas ang bagyo sa kabuuan ng forecast period.

"However, the Southwest Monsoon may bring moderate to heavy rains over Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, and some parts of the western section of Central and Southern Luzon," patuloy ng state meteorologists.

"'GORIO' is forecast to intensify into a tropical storm in the next 12 hours and may exit PAR by tomorrow morning."

Maliit pa naman ang tiyansang magtataas ng Tropical Cyclone Wind Signal sa anumang anyong lupa sa bansa kaugnay ng bagyong "Gorio."

Sa kabila niyan, inaabisuhan ang publiko at disaster risk reduction and management offices na mag-ingat para protektahan ang buhay at mga ari-ariang maaaring mapinsala.

Inaabisuhan na rin ang lahat ng mga taong nakatira sa mga "highly or very highly susceptible" areas sa mga panganib na sumunod sa paglikas at ibang utos sa mga local officials kung kakailanganin.

Bandang 8 a.m. nang pormal na maging tropical depression ang bagyo sa ibabaw ng Philippine Sea, dagdag pa ng PAGASA. — James Relativo

GORIO

PAGASA

TROPICAL DEPRESSION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with