^

Bansa

Residente sa red at orange warning, pinag-iingat vs bagyong Fabian

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Residente sa red at orange warning, pinag-iingat vs bagyong Fabian
Batay sa inilabas na weather advisory ng PAGASA, ang probinsiya ng Bataan at Zambales ay nasa red warning kung saan posibleng mararanasan ang seryosong pagbaha lalo na sa mga flood prone areas.
PAGASA

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang mga residente na nakatira sa mga lugar na isinailalim sa red at orange warning bunsod sa patuloy na pag-ulan dulot ng bagyong Fabian.

Batay sa inilabas na weather advisory ng PAGASA, ang probinsiya ng Bataan at Zambales ay nasa red warning kung saan posibleng mararanasan ang seryosong pagbaha lalo na sa mga flood prone areas.

Posibleng umabot pa hanggang weekend ang mararanasang pag-ulan.

Habang ang Metro Manila at Cavite ay nasa Orange warning kung saan mataas ang posibilidad na magkaroon ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.

Nasa yellow warning naman ang mga probinsiya ng Tarlac, Pampanga, Batangas at Bulacan.

Habang makakaranas naman ng light to mode­rate with occasional heavy rains ang mga probinsiya ng Nueva Ecija, Laguna, Rizal, at Quezon.

Samantala, pinaala­lahanan din ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na mag-ingat sa pagbiyahe dahil madulas ang mga daan para maiwasan ang aksidente.

Dumanas ng pagbaha kahapon ang ilang lugar sa Metro Manila bunsod ng walang tigil na pag-ulan.

Sa 11am advisory ng Pagasa, taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na umaabot sa 150 km bawat oras at pagbugso na 185 km bawat oras.— Angie dela Cruz

vuukle comment

NDRMMC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with