Pacquiao wala pang inihain na reso vs korapsyon
MANILA, Philippines — Wala pang inihahain na resolusyon si Sen. Manny Pacquiao o mga dokumento na nagpapakita para umusad ang imbestigas-yon sa Senate Blue Ribbon committee kaugnay sa umano’y sinasabi niyang korapsyon sa ilang ahensya ng gobyerno.
Ayon kay Sen. Richard Gordon, chairman ng blue ribbon committee hindi sila maaaring mag-imbestiga ng base lamang sa mga ulat sa pahayagan.
Bukod dito wala pa rin umanong natatanggap si Gordon na request o resolution na mula kay Pacquiao para sa imbestigasyon sa mga alegasyon nito ng korapsyon.
Paliwanag pa ng Senador bago sila magsimula ng imbestigasyon ay dapat muna nilang malaman kung ano talaga ang dapat imbestigahan dahil magkakaroon ito ng damage sa gobyerno.
Kahit na maaari umanong maglunsad ang komite ng moto-propio investigation sa alegasyon ni Pacquiao ay kailangan muna niyang makita ang mga katotohanang nakapaloob sa alegasyon.
Kung mayroon umanong basehan, ay hindi magdadalawang isip ang mambabatas na gawin ang nararapat.
- Latest