Dahil sa 'pritong tuwalya,' Jollibee branch sa Taguig 3 araw isasara
MANILA, Philippines — Pansamantalang magsasara ang isang branch ng isang tanyag na fastfood chain sa Lungsod ng Taguig matapos ang kontrobersyal na disgrasya sa kusina.
Imbis na "Chicken Joy" kasi ang maihain sa customer, deep fried towel ang naibigay ng Bonifacio Global City outlet ng kumpanyang Jollibee.
"Just something that frustrated me this late. We had Jollibee delivered via grab," ayon kay Alique Perez sa Facebook nitong Miyerkules.
"Ordered chicken for my son, while I was trying to get him a bite, I found it super hard to even slice. Tried opening it up with my hands and to my surprise a deep fried towel."
Ani Perez, "nakakadiri" ito lalo na't nakontamina na ang pinaggamitang mantika at batter habang nagluluto.
Tanong tuloy niya, ilang manok kaya ang naapektuhan nito lalo na't nakain din 'yan ng ibang customers.
Isa ang Jollibee sa pinakamalaking restawran sa Pilipinas, bagay na kilalang karibal ng US-based McDonalds sa lokal na merkado.
Paumanhin ng kumpanya
Agad namang humingi ng paumanhin ang Jollibee dahil sa insidente, na nangyari noong ika-1 ng Hunyo. Dahil diyan, isang "masusing imbestigasyon" ang isasagawa lalo na't paglabag ito sa standard food preparation ng ilang kawani.
"As a result of this incident, we have directed the Jollibee Bonifacio - Stop Over branch to close for three days starting... June 3, to thoroughly review its compliance with procedures and retain its store team to ensure that this will not happen again," pahayag ng dambuhalang chain ng kainan.
"We at Jollibee are committed to take the necessary steps to maintain the trust and loyalty that our customer have given to us throughout the years."
Sharing our official statement on the recent experience of our customer in one of our franchise stores. pic.twitter.com/OFuTxdPZdd
— Bestfriend Jollibee (@Jollibee) June 2, 2021
Magpapadala rin ang kumpanya ng paalala sa lahat ng kanilang franchised stores para matiyak na mahigpit na nasusunod ang food preparation systems nila.
Gagawin daw nila ang lahat upang maipagpatuloy ang mataas na kaledad ng serbisyo na kanilang itinakda sa sarili at mga franchisees.
- Latest