^

Bansa

51% ng Pinoy tiwala sa suri ng gobyerno sa COVID-19 vaccines kahit karamihan 'unsure' magpaturok

James Relativo - Philstar.com
51% ng Pinoy tiwala sa suri ng gobyerno sa COVID-19 vaccines kahit karamihan 'unsure' magpaturok
Nagpapaturok laban sa COVID-19 ang mga residenteng ito sa Lungsod ng Taguig sa Venice Grand Canal Mall, ika-19 ng Mayo, 2021
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Karamihan sa mga Pilipino ang nagtitiwalang tama ang evaluation ng pamahalaan sa mga pumapasok na bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) kahit karamihan din sa kanila ang hindi tiyak kung kukuha nito.

Nag-aalinlangan pa rin ang marami sa bakuna kahit 51% sa kanila ang nagtitiwalang "tama" ang pagkilatis ng gobyerno sa COVID-19 vaccines, ayon sa bagong pag-aaral ng Social Weather Stations, Huwebes.

Narito ang mga lumabas na resulta mula sa nasabing survey:

Una nang binigyan ng Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use authorization (EUA) ang Sinovac, Pfizer, AstraZeneca, Sputnik V, Moderna, Johnson & Johnson at Bharat Biotech. Kahit wala pang EUA, binigyan naman ng compassionate special permit ng FDA ang Sinopharm para sa Presidential Security Group Hospital.

Pinakamataas ang tiwala sa evaluation ng COVID-19 vaccines sa Mindanao habang pinakapayag naman magpabakuna ang mga nasa Metro Manila.

'Ligtas at epektibo' pero maraming nag-aalangan

Tinitiyak ng Department of Health na "ligtas at epektibo" ang lahat ng bakunang may EUA, pero marami pa rin ang kung hindi nag-aalangan eh ayaw talaga magpaturok ng nasabing gamot kontra COVID-19.

"To this, 32% say they are willing [to be vaccinated] (consisting of 23% surely and 9% probably), 35% are uncertain about it, and 33% are unwilling (consisting of 7% probably not and 26% surely not) to get vaccinated," ayon sa SWS.

"The percentage of those willing (surely or probably) to get vaccinated is 58% among those very confident, versus 38% among those somewhat confident, 18% among those of uncertain confidence, 20% among those somewhat not confident, and 11% among those not at all confident, about the government’s evaluation of the vaccines."

Matatandaang halos dalawa sa limang Pilipino ang unang nagsabing ayaw nilang magpabakuna laban sa COVID-19, ayon sa SWS noong 2020 habang 60% naman ang ayaw magpaturok sabi ng Pulse Asia.

Natuklasan din ng gobyerno na tumataas ang kagustuhang magpabakuna batay sa antas ng naabot ng edukasyon ng Pilipino, pinakamataas sa mga college graduates (50%). Sa hanay ng 'di nagtapos sa elementarya, halos nangalahati ito (25%).

Side effects kinatatakutan nang husto

Proteksyon at pag-iwas sa COVID-19 ang mga pangunahing dahilan kung bakit nais magpabakuna nang maraming Pilipino, habang side effects naman ang pinakadahilan kung bakit maraming ayaw mabigyan nito.

Narito ang mga pangunahing dahilan kung bakit nagdadalawang-isip ang ilang bahagi ng populasyon:

Hindi sigurado:

  • side effects (39%)
  • hindi ligtas, epektibo (21%)
  • baka mamatay/nakarinig ng kaso ng pagkamatay (11%)
  • takot/walang tiwala sa bakuna (11%)
  • may sakit/matanda na (11%)

Ayaw magpaturok:

  • side-effects (30%)
  • baka mamatay/nakarinig ng kaso ng pagkamatay (20%)
  • may sakit/matanda na (17%)
  • baka magkasakit/tamaan ng COVID-19 (11%)

Umabot na sa 1.16 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas ayon sa mga datos ng DOH kahapon. Sa bilang na 'yan, 19,641 na ang patay.

COVID-19 VACCINES

DEPARMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

SOCIAL WEATHER STATIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with