^

Bansa

'First time uli': Labor Day worker's protests kasado na bukas sa gitna ng MECQ

Philstar.com
'First time uli': Labor Day worker's protests kasado na bukas sa gitna ng MECQ
Litrato ng libu-libong nagprotesta noong Pandaigdigang Araw ng Paggawa noong ika-1 ng Mayo, 2019 — ang huling beses na nakapaglunsad ng malakihang pisikal na "Labor Day" protest bago ang COVID-19 pandemic
The STAR/Ernie Peñaredondo, File

MANILA, Philippines — Handang-handa na ang sektor ng paggawa at iba't ibang militanteng grupo sa pisikal na pagsalubong sa Pandaigdigang Araw ng Paggawa — ang kauna-unahan sa Pilipinas simula nang magpataw ng lockdowns sa Pilipinas Marso noong nakaraang taon.

Huling beses na nagkaroon ng Labor Day protests ang kilusang manggagawa noong ika-1 ng Mayo taong 2019, bago pa mamerwisyo ang coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas. Matatandaang "purely online" lang ang protesta ng karamihan ng mga aktibista kaugnay nito noong 2020.

Maliban sa dagdag sahod na karaniwang hiling ng mga manggagawa tuwing May 1, sentral sa panawagan nila ngayon ang:

  • P10,000 cash aid para sa mahihirap at nawalan ng trabaho sa gitna ng lockdowns
  • P100/araw na wage subsidy sa mga manggagawa
  • P15,000 production subsidy para sa mga magsasaka

"We are in distress, and we need aid. Duterte, however, does not seem to care about the people’s plight one year into the pandemic. To augment the good initiative of community pantries, Duterte must 'certify as urgent' bills providing cash aid such as 10k Ayuda and 100 Daily Wage Subsidy," ani Elmer Labog, pambansang tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno, Biyernes.

"This is a litmus test, which will mark him as the people’s friend or enemy. Should he insist in not providing aid, he will face the hungry people’s anger."

Tuloy na tuloy na ito, 9 a.m. sa Liwasang Bonifacio, kahit na extended na naman ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila.  
Bukod sa mga protestang pangungunahan ng KMU, NAGKAISA, Buklaran ng Manggagawang Pilipino atbp., magkakaroon din ng misa sa Sto. Niño de Tondo Church na pangungunahan ni Bishop Broderick Pabillo, bagay na dadaluhan din ng sari-sariling progresibong grupo.

Maglulunsad din naman ng iba't iba pang decentralized actions ang iba't ibang grupo sa Antipolo, Rizal, Caloocan City, Timog Katagalugan atbp. para gunitain ang okasyon.

Health protocols paano?

Ayon pa kay Labog, titiyakin daw nila ang lahat upang masunod ang sapat na physical distancing at health protocols para na rin makaiiwas sa hawaan ng COVID-19 sa gitna ng malakihang protesta.

Ilan sa mga labis na dini-discourage ng KMU sumali sa pisikal na protesa ang mga 60-anyos pataas at mga menor de edad.

Maglulunsad din naman ng mga virtual at social media actions, gaya ng 2 p.m. "virtual rally" na ila-live stream sa Facebook page na ito. Ine-engganyo rin nila ang iba't ibang uri ng protesta sa komunidad at probinsya para na rin makontrol ang dami ng dadalo.

Ligal ba ito?

Nangyayari ang lahat ng ito kahit na ipinagbabawal pa rin ang mass gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng MECQ. Gayunpaman, pwede ang religious gatherings hanggang 10-30%.

Hanggang 10 katao lang kada grupo ang pinapayagan sa pagbisita sa mga sementeryo, columbaria, atbp. pa na hindi pwedeng lumampas sa 30% ng venue capacity.

Hindi pa naman tumutugon si Philippine National Police spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana sa panayam ng Philstar.com kung paano nila pakikitunguhan ang mga protesa bukas.

Matatandaang ilan ang inaresto ng PNP noong nakaraang taon matapos magsagawa ng pisikal na aktibidad ng ilan noong Mayo Uno, kahit na nagre-relief operations lang. — James Relativo

KILUSANG MAYO UNO

LABOR DAY

LABOR RIGHTS

MODIFIED ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE

NOVEL CORONAVIRUS

WAGE INCREASE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->