^

Bansa

Terror group hirap nang makapasok sa southern backdoor – AFP

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mahihirapan nang makapasok sa bansa ang mga banyagang te-rorista gamit ang southern backdoor.

Ito ang sinabi ni AFP Chief Gen. Cirilito Sobejana dahil sa pinalakas na security defense posture na ipinatutupad sa tri-boundary ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia.

”Meron na tayong magandang mechanism, maganda na yung security posture natin diyan sa ating tri-boundary with Malay-  sia and Indonesia sa south so wala na tayong namomonitor,” ani Sobejana.

Sinabi ni Sobejana na wala rin silang namonitor na presensiya ng mga foreign terrorist sa Sulu.

Kamakailan, napatay ng mga sundalong army ang Egyptian suicide bomber sa kanilang la-test military operations na matagal nang  pinagha-hanap  ng militar.

Indikasyon lamang ito na tuluy-tuloy ang  operas­yon ng  militar sa kabila ng monitoring sa West Philippine Sea.

Binabantayan din ng militar ang mga Pinoy ASG members na naengganyong maging suicide bombers sa Sulu.

Patuloy ang ginagawang pagtugis ng 11th Infantry Division at Joint Task Force Sulu sa mga teroristang Abu Sayyaf sa probinsiya.

Una ng Sinabi ni JTF Sulu Commander MGen. William Gonzales, naputol na ang financial support ng Abu Sayyaf sa International Foreign Terrorist kaya hirap ang ASG ngayon sa resources.

Sa Central Mindanao patuloy ang pagtugis sa Singaporean terrorist na si Muhamad Ali Abdul Rahiman alias Muawiyah.

Si Muawiyah ay kasama ni Zulkifli Bin Hir alias Marwan na napatay ng mga miyembro ng PNP SAF sa Mamasapano, Maguindanao.

CIRILITO SOBEJANA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with