^

Bansa

9 sasakyan inararo ng trak: 2 patay, 15 sugatan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

TAYABAS CITY, Quezon, Philippines — Dalawa ang patay habang 15 pang katao ang sugatan sa mala­gim na aksidenteng kina­sangkutan ng isang rumaragasang truck na nawalan ng preno at inararo ang 9 na iba pang sasakyan sa kahabaan ng Quezon Avenue, dito kahapon ng umaga.

Sa report ng Taya­bas City police, kilala ang mga nasawi na sina Jeffrey Melchor Ferreras, 31-anyos, driver ng truck ng Concepcion, Tarlac at pahinanteng si Junathan Bacximen Simballa, 44, taga-Binondo, Manila.

Batay sa imbestigas­yon, alas-9:30 ng umaga habang patungo sa direk­syon ng city proper ang Elf Forward truck na mina­maneho ng nasawi at tina­tahak ang palusong na kalsada ng Quezon Ave­nue sa Brgy. Lalo nang mawalan ito ng preno. Unang nasalpok nito ang sinusundang isa pang Elf truck na sa lakas ng pagkasalpok ay naisulong at tumilapon sa isang bahay na nasa gilid ng highway.

Nagpatuloy sa pag­takbo ang humahagibis na truck sa gitna ng aba­lang lansangan at uma­bot sa lugar na sakop na ng Angeles Z-1 at nasagasaan pa nito ang iba pang sasakyan na kina­bibilangan ng limang tricycle, dalawang motorsiklo at dalawang kotse, bago tuluyang sumalpok sa isa pang bahay.

Sugatan lahat ang 9 na driver ng mga binanggang sasakyan at ang isa sa mga pasahero ng isang tricycle at pahinante ng unang si­nalpok na truck.

Sugatan din ang isa pang pahinante ng na­walan­ ng prenong truck at ang mga nakatira sa huling­ bahay na sinalpok na kinabibilangan ng isang 12-anyos na batang lalaki.

HIGHWAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with