^

Bansa

‘Public display of affection’ bawal muna – PNP

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
‘Public display of affection’ bawal muna – PNP
Dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 kung kaya hinikayat ng PNP ang publiko na iwasan muna ang public display of affection o PDA sa kanilang mga mahal sa buhay at mahigpit na sundin ang ipinaiiral na health protocols.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Upang maiwasan ang pagkakahawa-hawa, pinagbabawal muna ni PNP Chief, Gen. Debold Sinas sa mga magsing-irog, mag-asawa, magkapatid at magkaibigan ang PDA o public display of affection at ang paghaha-wak-kamay at akbayan sa publiko.

Sinabi ni Sinas na matagal na talagang pinagbabawal ang hawak-hawak kamay o PDA subalit hindi aniya mapigilan ng mga tao lalo na kung magkasama sa bahay kaya muli itong nagpaalala na sisitahin ang lalabag.

Dahil sa biglang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay papaigtingin muli ng pamahalaan ang pagbabantay sa publiko.

Sa katunayan, may mga lugar sa Metro Manila na isinailalalim sa special concern at granular lockdowns.

Sa datos, naitala ang apat na araw na sunod na nasa 3,000 level ang mga panibagong kaso ng COVID-19 sa kabila ng pag-uumpisa ng massive immunization program ng pamahala-an noong Marso 1.

Sa PNP, as of March 9, 6PM ay naitala ang bagong 88 kaso ng coronavirus, 11,165 pa na police personnel ang ginagamot habang 32 na ang nasawi.

PDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with