^

Bansa

Bulkang Pinatubo itinaas sa 'Alert Level 1' matapos ang maraming taon

Philstar.com
Bulkang Pinatubo itinaas sa 'Alert Level 1' matapos ang maraming taon
Satellite image ng Bulkang Pinatubo mula sa kalawakan
Google Maps

MANILA, Philippines — Matapos manahimik nang maraming taon, iniakyat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang alerto sa Bulkang Pinatubo dahil sa patuloy na aktibidad at ligalig na iinakikita nito.

'Yan ang inanunsyo ng Phivolcs matapos umabot sa 1,722 ang mahihinang lindol sa ilalim ng Bulkang Pinatubo mula ika-20 ng Enero 2021, ayon sa Pinatubo Volcano Network.

"Bunsod ng paulit-ulit na paglindol, ang DOST-PHIVOLCS ay nagtataas ng alerto ng Bulkang Pinatubo mula Alert Level 0 patungong Alert Level 1," sabi ng Phivolcs kanina.

"Ito ay nangangahulugang mayroong bahagyang pagligalig na maaaring dulot ng tectonic na kaganapan sa ilalim ng bulkan at hindi naman namamataan ang pagputok nito sa nalalapit na panahon."

Umabot sa magnitude 2.8 na lindol ang pangalawang kumpol ng mga pagyanig sa paligid ng Pinatubo na nasa hilaga-hilagang kanluran at timog-timog silangan ng bulkan at may lalim na 15-25 kilometro.

Ang lahat ng mga naitalang lindol sa ngayon ay dulot ng mga pagbitak ng bato sa ilalim ng bulkan, ayon sa pamahalaan.

Malubhang pinag-iingat ngayon at pinaiiwasan ang pagpasok ninuman sa Pinatubo Crater hanggang maaari.

"Ang mga pamayanan at lokal na pamahalaan sa paligid ng Pinatubo ay pinaaalalahanan na laging maging handa laban sa mga panganib ng lindol at pagputok ng bulkan at muling suriin, ihanda at pagtibayin ang kanilang contingency, emergency at iba pang planong paghahanda laban sa sakuna," patuloy ng state volcanologists.

Patuloy namang nagmamanman ang Phivolcs sa pamamagitan ng pagdadagdag ng mga himpilan sa PVN at may dalas na geochemical survey ng Pinatubo Crater. Oobserbahan din ang ground deformation gamit ang satelite data.

Ika-15 ng Hunyo, 1991 nang matatandaang magdilim nang husto sa paligid ng bulkan kasabay ng pagluwa nito abo, bato at iba pang volcanic material sa kalangitan.

Maraming winasak na tahanan, bukirin at imprastruktura ang bulkan at pumatay ng dose-dosenang tao kasabay ng pag-displace ng libu-libong pamilya.

Kinikilala ng mga geologists ang 1991 eruption nito bilang isa sa pinakamalakas sa nakaraang siglo. — James Relativo

EARTHQUAKE

PHIVOLCS

PINATUBO

VOLCANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with