Escudero, Villanueva top pa rin sa senatorial bets
MANILA, Philippines — Nanguna pa rin sa pinakabagong senatorial survey para sa 2022 election sina Sorsogon Gov. Francis Escudero at Senator Joel Villanueva.
Kahit nawala ang higit 9 puntos sa nakaraang survey noong Disyembre 2020 ay nanatili pa rin si Escudero (64.6%) sa botohan base sa WR Numero Research, isang technology-driven polling at data analytics firm.
Habang nanatili sa ikalawang puwesto si Villanueva na may 56.6% sa parehong survey, na isinagawa noong Enero 11-16.
Ayon sa mga analyst, nagpapahiwatig lamang ang kahalagahan ng empowering political bailiwicks at pagpapakalat ng tagumpay sa ibang bahagi ng bansa na ipinakikita ni two-term senator Escudero at Villanueva.
Isinagawa ng WR Numero Research ang pangangalap ng data gamit ang mobile-app based survey.
Pinamumunuan ang nasabing research firm ni Dr. Robin Michael Garcia, assistant professor sa School of Law and Governance sa University of Asia and Pacific.
- Latest