^

Bansa

Wag mag-lipstick kung magpapa-saliva test

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Wag mag-lipstick kung magpapa-saliva test
Ipinaliwanag ni Dr. Paulyn Ubial, head ng Molecular Laboratory ng PRC, na nadiskubre nila na nagi­ging ‘invalid’ ang sample ng mga babaeng nagpakuha ng saliva sample kung sila ay may pahid na lipstick sa kanilang mga labi.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pinayuhan ng Philippine Red Cross (PRC) ang mga babae na huwag munang magpahid o maglagay ng lipstick sa kanilang mga labi kung nais nilang sumailalim sa saliva COVID-19 RT-PCR test.

Ipinaliwanag ni Dr. Paulyn Ubial, head ng Molecular Laboratory ng PRC, na nadiskubre nila na nagi­ging ‘invalid’ ang sample ng mga babaeng nagpakuha ng saliva sample kung sila ay may pahid na lipstick sa kanilang mga labi.

Ayon kay Ubial, humahalo ang kulay ng lipstick sa saliva sample kaya’t nababalewala na ito.

Bukod aniya sa lipstick, bawal din munang kumain, uminom, magmumog, mag-toothbrush, magsigarilyo o mag-vape sa loob ng 30-minuto bago magpakuha ng sample ng saliva.

Ang saliva test na mas mura at mas madaling paraan ng pagpapasuri laban sa COVID-19, ay available na ngayon sa mga tanggapan ng PRC sa Mandaluyong at Port Area, Manila.

 

SALIVA TEST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with