9 Jolo cops pinaaaresto na
MANILA, Philippines — Pinaaaresto na ng Sulu Regional Trial Court (RTC) ang 9 na pulis na sinibak dahil sa pagkakasangkot sa pagpatay sa apat na sundalo sa Jolo noong Hunyo ng nakalipas na taon.
Kinumpirma ni Atty. Honey Delgado, spokesperson ng Office of the Prosecutor General na nagpalabas ng warrant of arrest ang korte kahapon laban sa 9 na pulis na sina Senior Master Sgt. Abdelzhimar Padjiri, Master Sgt. Hanie Baddiri, Staff Sgts. Iskandar Susulan, Ernisar Sappal at Admudzrin Hadjaruddin, Cpl. Sulki Andaki, at Patrolmen Moh Nur Pasani, Alkajal Mandangan at Rajiv Putalan.
Ang 9 na akusado ay nahaharap sa kasong 4-counts of murder, at planting of evidence.”
Napatay sa insidente sina Phl Army intelligence officers Maj. Marvin Indammog, Cpt. Irwin Managuelod, Sgt. Jaime Velasco at Cpl. Abdal Asula habang sila ay nagsasagawa ng operasyon laban sa dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Jolo.
Una nang pinalaya ng PNP ang 9 nilang kabaro sa kabila ng kahilingan ng Department of Justice (DOJ) na pigilin muna sila hangga’t walang inilalabas na arrest warrant.
Dinidinig na rin ang kahilingan ng prosekusyon na maglabas ng hold departure order (HDO) ang korte laban sa mga akusadong pulis.
Magugunita na unang dinepensahan ng PNP ang mga pulis at sinabing “misencounter” ang nangyari subalit mariing kinontra ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at sinabing ito ay “rubout”. —Danilo Garcia
- Latest