^

Bansa

Duterte pinalawig ang Bayanihan 2

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte pinalawig ang Bayanihan 2
Sa ilalim ng Republic Act No. 11519 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Disyembre 29, ang pondo para sa Bayanihan 2 ay maaaring ilabas at magamit hanggang Hunyo, 30, 2021.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang batas na magpapalawig sa validity ng 2020 national budget at Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11519 na nilagdaan ni Duterte noong Disyembre 29, ang pondo para sa Bayanihan 2 ay maaaring ilabas at magamit hanggang Hunyo, 30, 2021.

Samantala sa ilalim ng RA 11520, papalawigin ang 2020 General Appropriations Act hanggang Dis. 31, 2021.

Kahapon inilabas ng Malacanang ang kopya ng dalawang bagong batas.

Nasa P148 bilyon pondo pa sa ilalim ng Bayanihan 2 at ng 2020 national budget ang hindi pa nagagamit.

Ang 2020 national budget dapat hanggang Disyembre 31, 2020 na lamang samantalang ang Bayanihan 2 ay nagtapos noong Disyembre 19, 2020.

Ang dalawang bagong batas ay sinertipikahang urgent ni Duterte.

PIRMADO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with