^

Bansa

‘Masyado pang maaga para sa pamumulitika’ – Robredo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Sa presidential survey ng Pulse Asia

MANILA, Philippines — Iginiit ng kampo ni Vice President Leni Robredo na masyado pang maaga para sa pamumulitika at pakikipag-gitgitan para sa eleksiyon.

Ang pahayag ay ginawa ni Barry Gutierrez, ang tagapagsalita ng bise presidente, matapos hingian ng reaksiyon sa resulta ng Pulse Asia survey na nagsasaad na panglima siya sa mga posibleng maging presidential candidates para sa eleksiyon sa taong 2022.

Ayon kay Gutierrez, malayo pa ang halalan at wala pang panahon sa ngayon sa politika si Robredo dahil nakapokus ito sa pagtulong sa mga mamamayang naapektuhan ng pandemya at ng mga nakalipas na kalamidad.

Nabatid na si Davao City Mayor at presidential daughter Sara Duterte ang nangunguna sa naturang survey, kasunod sina dating senador at losing vice-presidenital candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos at Senator Grace Poe, na nag-tie sa ikalawang puwesto sa puntos na 14 porsiyento.

Pumangatlo si Manila Mayor Isko Moreno habang pang-apat si Sen. Manny Pacquiao.

Una nang sinabi ng bise presidente noong Hulyo na wala siyang planong tumakbo sa mas mataas na posisyon sa kabila ng mga panawagang kumandito siya sa 2022 presidential polls.

“Ang record ko sa politika, wala akong pinlano—iyong pag-congressman ko, pag-VP. Hindi ko pinlano, dumating na lang,” aniya pa.

vuukle comment

BARRY GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with