^

Bansa

Parak na namaril sa mag-ina may ‘topak’ - Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Parak na namaril sa mag-ina may ‘topak’ - Duterte
“Isa lang itong klaseng pulis na ‘to. May sakit ito sa utak. Topak. And I’m just wondering why he was able to nakalusot sa neuro. You could detect a person by the way he answers in a ‘yung mga tests sa neuro. Tarantado ‘yung g*** na ‘yon,” ani President Duterte.
Photos courtesy of Rosales, Pangasinan Municipal Police Station vi The STAR

MANILA, Philippines — Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang klase ng pulis na may sakit sa utak at may topak si Senior Master Sergeant Jonel Nuezca na pumatay sa mag-inang Sonya Gregorio, 52 at Anthony Gregorio, 25 sa Tarlac noong Linggo.

Kinuwestiyon din ng Pangulo kung paano nakapasa sa neuro-psy­chia­tric examination si Nuezca na hindi dapat pamarisan ng mga kapwa alagad ng batas.

“Isa lang itong klaseng pulis na ‘to. May sakit ito sa utak. Topak. And I’m just wondering why he was able to --- nakalusot sa neuro. You could detect a person by the way he answers in a --- ‘yung mga tests sa neuro. Tarantado ‘yung g*** na ‘yon,” ani Duterte.

Ipinaalala ni Duterte ang sinabi niya sa kanyang State of the Nation Address na sagot niya ang mga pulis pero kung gagawa lamang ng tama at naaayon sa batas.

“Di ba sinabi ko: You do it right, I’m with you. You do it wrong, and there will be a hell to pay. Iyon ang sinabi ko sa aking SONA. Ang akin dito ulitin ko: Do your duty enforce the law. Your actions must be in accordance with the law,” ani Duterte.

Binanggit ni Duterte na mahal niya ang mga pulis na nagtatrabaho kaya pumupunta pa siya sa Jolo para parangalan ang kabayanihan ng mga ito kapag napapasabak sa mga kalaban ng gobyerno.

Idinagdag ni Duterte na hindi na dapat payagan na makalabas si Nuezca at seryosong krimen ang double murder.

“Pero kayong may mga sakit, may mga topak ah… And I am sure that by now, he should not be allowed to go out because double murder ‘yon eh. Double murder is a serious offense, a grave offense,” sabi pa ni Duterte.

Pinatitiyak din ni Du­terte sa Philippine Natio-nal Police na hindi makakapaglagak ng piyansa ang suspek na pulis.

“I’d like to call the PNP: Be sure that he is detained ha. He should not be allowed to go out kasi se-rious offense ‘yan. There’s no bail. So, hindi maka-bail ‘yan. Diretso-diretso na ‘yan,” sabi ni Duterte.

Tinawag din ni Duter-te na masyadong brutal ang ginawa ni Nuezca sa mag-inang Gregorio na binaril nang malapitan ng tig-2 beses.

Related video:

POLICE KILLER

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with