^

Bansa

Illegal logging, mining sa Isabela hindi natigil

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Illegal logging, mining sa Isabela hindi natigil
Ayon kay Alyansa Tigil Muna (ATM) National Coordinator Jaybee Garganera na hindi dapat magbulag-bulagan si Albano at pa­kinggan ang boses at patunay ng mga residente sa Isabela na nagsabing hindi natigil ang illegal mining at logging sa lalawigan.
AFP/Ted Aljibe, File

MANILA, Philippines — Kung si Cagayan Go­vernor Manuel Mamba ay matapang na umamin na mayroon pa rin illegal logging at mining activities sa kanilang lalawigan na pinoprotektahan pa ng mga tiwaling mayor, salungat naman ito sa patuloy na pagtanggi umano ni Isabela Gov. Rodito Albano na binatikos naman ng ibat-ibang grupo.

Ayon kay Alyansa Tigil Muna (ATM) National Coordinator Jaybee Garganera na hindi dapat magbulag-bulagan si Albano at pa­kinggan ang boses at patunay ng mga residente sa Isabela na nagsabing hindi natigil ang illegal mining at logging sa lalawigan.

Giit ni Garganera, kung magkakaroon lamang ng aerial survey gaya ng ginagawa noon ng yumaong si Enviroment Secretary Gina Lopez ay makikita ang massive deforestatation at ang presensya ng mga heavy equipment na nagsasagawa ng quarrying at mining sa Isabela, gayundin sa Cagayan.

“Huwag sanang magbulag-bulagan si Governor Albano at ang mga opisyal ng Isabela, kahit sinasabi nilang wala ay kabaligtaran ito dahil meron naman talaga. Ang problema sa illegal mining, quarrying at logging ay magkakaugnay, para makapag-ooperate ng minahan at quarry ay kailangan na magputol ng puno at ’yan ang nangyayari,” pahayag ni Garganera.

Gayundin ang pahayag ni Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) President Danilo Ramos, aniya, nakalulusot pa rin ang mga illegal loggers at miners dahil sa pagkunsinti ng lokal na pamahalaan, ang mga nagsasabi umano na wala nang illegal logging at mining ay dapat na imbestigahan ng DENR at DILG dahil ma­aaring nagtatakip ito sa tunay na sitwasyon.  

Sa datos ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) ang bayan ng Peñablanca at Baggao sa Cagayan ay nananatiling illegal logging hotspot zone sa probinsya.

Una nang inamin ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagkaroon ng lapses sa enforcement kaya hindi napipiglan ang illegal mining at logging activities sa Isabela at Cagayan.

 

ILLEGAL LOGGING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with