^

Bansa

Alamin: Mga produktong sakop ng price freeze sa 'state of calamity'

James Relativo - Philstar.com
Alamin: Mga produktong sakop ng price freeze sa 'state of calamity'
Nagtatanggal ng putik ang mga residenteng ito sa Marikina City matapos lubugin ng matinding baha dulo ng Typhoon Ulysses, ika-13 ng Nobyembre, 2020
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Dahil sa sunud-sunod na paghagupit ng mga bagyo sa Luzon simula pa noong Oktubre, napilitan nang magbaba ng "state of calamity" ang gobyerno sa naturang lugar bilang tugon.

Miyerkules nang ilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation 1051 dahil sa pananalasa ng bagyong "Quinta," "Rolly" at "Ulysses" mula ika-23 ng Oktubre hanggang ika-12 ng Nobyembre.

Basahin: Buong Luzon 'state of calamity' na dahil sa sunod-sunod na bagyo — Duterte

Pero ano nga ba ang direktang epekto niyan sa mga tao, alinsunod sa Republic Act 10121 at RA 7581?

"Sa deklarasyong ito, epektibong makokontrol ang mga presyo ng mga basic goods at commodity sa mga lugar na naapektuhan," ani presidential spokesperson Harry Roque, Huwebes.

"Kaugnay po nito, ito po'yung mga bagay-bagay na subject sa price freeze. Ito po ay galing sa Department of Trade and Industry (DTI)":

Department of Agriculture

  • bigas
  • mais
  • mantika
  • sariwa/tuyong sea food
  • itlog
  • karne ng baboy
  • karne ng baka
  • gulay
  • halamang ugat (root crop)
  • asukal
  • sariwang prutas

Department of Trade and Industry

  • de latang isda o iba pang yamang dagat
  • processed milk
  • kape
  • sabong panlaba
  • detergent
  • kandila
  • tinapay
  • asin
  • inuming tubig na nakabote
  • instant noddles sa gawang Pinoy

Department of Environment and Natural Resources

  • kahoy panggatong
  • uling

Department of Health

  • mahahalagang gamot na tinukoy ng DOH

Department of Energy

  • liquified petroleum gas (LPG) pambahay
  • kerosene

Pwedeng makulong hanggang 10 taon at patawan ng multa na aabot ng P2 milyon ang mga taong lalabag sa itinatakdang price cieling, bilang pagtalima sa batas.

Sa kabila niyan, "walang forever" pagdating sa pagkokontrol ng presyo, ayon sa RA 7581. May taning ito:

"Unless sooner lifted by the President, price control of basic necessities under this section shall remain effective for the duration of the condition that brought it about, but not for more than sixty (60) days."

Alinsunod sa batas, idinedeklara ang state of calamity tuwing may:

  • mass casualty
  • matinding pinsala sa ari-arian
  • pagkasira ng kabuhayan, kalsada at normal na pamumuhay ng tao dahil sa "natural or human-induced hazard"

Epekto, hindi lang basta pagkontrol ng presyo

Pero hindi lang basta price freeze ang idinudulot ng state of calamity: "[Ito ay p]ara mapabilis ang rescue, relief at rehabilitation efforts ng pamahalaan at pribadong sektor, kasama na ang international humanitarian assistance," dagdag ni Roque sa press briefing ng Palasyo.

"Mabibigyan din po ng ample latitude na magamit ang pondo para sa rescue, recovery, relief at rehabilitation efforts."

Sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw, nasa 73 pa rin ang iniwang patay ng Typhoon Ulysses — maliban pa 'yan sa 24 na sugatan at 19 nawawala.

Kaugnay niyan, naapektuhan na nito ang 3.51 milyong katao mula sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, National Capital Retion (NCR) at Cordillera Administrative Region (CAR).

Pumalo na rin sa estimated P4.01 bilyon ang idinulot nitong pinsala sa sektor ng agrikultura habang tumataginting na P6.09 bilyon naman ang damage nito sa agriculture sector.

"A total of P85,171,459.84 worth of assistance was provided to the affected families," ayon sa NDRRMC.

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

EXPLAINER

HARRY ROQUE

PRICE FREEZE

QUINTA

ROLLY

STATE OF CALAMITY

TYPHOON

ULYSSES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with