^

Bansa

Palasyo: Free COVID-19 antigen tests ibibigay sa lahat ng evacuation centers

James Relativo - Philstar.com
Palasyo: Free COVID-19 antigen tests ibibigay sa lahat ng evacuation centers
Siksikan ang mga pamilyang ito sa isang evacuation center sa San Mateo, Rizal matapos lumikas ang mga residente sa hagupit ng Typhoon Ulysses — bagay na isang "risk" sa pagkakahawa ng COVID-19
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Malacañang ang kaligtasan ng mga pamilyang na-displace ng mga nagdaang bagyo gaya ng Typhoon Ulysses mula sa coronavirus disease (COVID-19) sa dahilang mabibigyan naman daw sila ng libreng testing.

Ito ang sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque, Martes, matapos irekomenda ng OCTA Research Team sa gobyerno na magsagawa ng sapat at abot-kayang testing at contact tracing sa mga evacuation sites — bagay na siksikan ngayon dahil sa mga nagdaang bagyo.

"Bago pa po 'yan imungkahi 'yan ng OCTA Research Group, eh ina-assure ko po kayo na in place na ho 'yung polisiya ng gobyerno na magbigay po ng COVID testing sa mga evacuation centers," ani Roque sa isang briefing.

"At ngayon po ang gagamitin nga po natin para mas marami at mas mabilis ay ang antigen test sa lahat ng ating mga evacuation centers."

Libre raw ito at napagdesisyunan na ng gobyerno "bago pa dumating ang serye ng mga bagyo" na nagsimula pa noong Oktubre nang dumating ang bagyong Pepito.

Sa kabila niyan, kanina lang nang sabihin ni Isabela Gov. Rodolfo Albano III na walang pondo sa COVID-19 testing para sa mga evacuation centers na kanilang nasasakupan.

Una nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire noong ika-2 ng Nobyembre na "hindi pa magagawa" ang COVID-19 testing sa mga evacuation centers noong kasagsagan ng epekto ng Super Typhoon Rolly.

Basahin: DOH: COVID-19 testing sa evacuation centers 'ideyal kaso hindi magagawa'

May kinalaman: No funds for COVID-19 testing in Isabela shelters — governor

Health protocols sa centers

Biyernes pa lang nang sabihin ni Health Secretary Francisco Duque III na kinatatakutan nila ngayon na tumaas ang hawaan ng COVID-19 sa mga tinutuluyang centers, dahilan para kanyang udyukin ang local government units (LGUs) na pasunurin sa minimum health standards ang libu-libong lumikas.

Ayon kay Francisco, "very strong" ang posibilidad na lumobo ang kaso sa mga nasabing lugar.

Ilan sa mga lugar na matinding tinamaan ng bagyong "Ulysses" ay ang Cagayan Valley, National Capital Region (NCR) at CALABARZON.

Basahin: DOH fears COVID-19 spike from evacuation centers

"Bagama't ipinapatupad po natin sana 'yung social distancing sa mga evacuation centers, eh minsan po talaga eh hindi maiwasan dahil halos napakarami ponating mga kababayan na talagang sumilong sa ating evacuation centers," ani Roque.

"Ang importante naman po, sang-ayon naman sa Department of Health (DOH), 'yung recommendation nilana magkaroonng separate facilities para doon sa mga may sintomas, eh napatupad naman po 'yan."

Sa huling tala ng DOH noong Lunes, umabot na sa 409,574 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 7,839 na ang patay.

EVACUATION CENTER

NOVEL CORONAVIRUS

TESTING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with