P19.1-B pondo ng NTF-ELCAC ilipat, ilaan sa 38.2-M relief packs — Bayan Muna
MANILA, Philippines — Imbis na ilaan para sa anti-communist task force ng gobyerno, mas mainam daw na ilaan na lang ang bilyun-bilyong pisong proposed budget ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo.
'Yan ang panawagan ngayon ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, Miyerkules, lalo na't binayo't napinsala ng Super Typhoon Rolly at Typhoon Quinta ang bansa nitong mga nakaraang araw.
Aniya, mas importante raw ito kaysa pondohan ang red-tagging at pagkakalat ng "fake news" ng NTF-ELCAC sa darating na 2021.
"If we are to take the P19.1 billion being asked for by the NTF-ELCAC and use it to make relief packs, we can have at least 38.2 million packs for the more than 2 million people affected by Super Typhoon Rolly and even that of Typhoon Quinta," ayon kay Zarate.
"The relief packs should contain at least 8 kilos of rice, 10 canned goods, 5 sachets of 3 in 1 coffee and 5 sachets of powdered cereal drink among others and this should last at the minimum for 3 days for a family of 5."
Sinabi ito ng progresibong mambabatas isang araw matapos ang isinagawang pagdinig ng Senado sa red-tagging gobyerno sa ilang mambabatas at personalidad, o yaong pag-uugnay sa kanila sa rebeldeng New People's Army at ligal na Communist Party of the Philippines.
Matatandaang hindi dumalo ang Makabayan bloc sa nasabing pagdinig noong Martes, at bagkos nagtungo sa ilang komunidad na naapektuhan ng Super Typhoon Rolly — ang pinakamalakas na bagyo sa buong daigdig ngayong 2020.
Basahin: Makabayan bloc skips hearing, hopes Senate won't be venue to amplify red-tagging
ATM: Si Rep. Sarah Elago kasama ang mga Kabataan Volunteers ay patungo sa Cavite para magbigay ng mga damit at food packs sa mga nasalanta ng Bagyo at mga biktima ng sunog. #TulongKabataan pic.twitter.com/Q9jg3azCvp
— Kabataan Partylist (@KabataanPL) November 3, 2020
ATM | Kabataan Partylist Rep. @sarahelago together with youth volunteers are at Bacoor Elementary School Evacuation Center distributing clothes and relief goods to the victims of a fire that affected 400 families and super typhoon Rolly, November 3, 2020.#TulongKabataan pic.twitter.com/mL8M9iEWmz
— Kabataan Partylist (@KabataanPL) November 3, 2020
"Our people, especially in the Bicol region, are so devastated that it would take months and even years for them to recover. If realigned, funds from the NTF-ELCAC can also be used to build the houses and infrastructure for our affected brethen," ayon kay Zarate.
"Again we are asking our colleagues in the Senate to defund the NTF-ELCAC and realign the funds to our typhoon hit kababayans. Taxpayers' money should be used in something productive and for helping others not in spreading lies and fake news."
Una na ring nanawagan ng kahalintulad na suwestyon si Sen. Risa Hontiveros kahapon. Aniya, mas maganda kung ililipat ang P16 bilyon mula sa proposed budget ng NTF-ELCAC sa typhoon rehabilitation kaysa sa insurgency problem.
Sa proposed budget kasi, bibigyan ng P20 milyon ang mga barangay na masesertipikahang "cleared" mula sa mga rebeldeng komunista. Ang Bikol, na pinakatinamaan ng bagyo, ay sinasabing isasa may malalakas na kawing ang mga rebelde.
Pinasala ng bagyo
Ayon sa latest data ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 2.08 milyong katao ang naapektuhan ng bagyong "Rolly" sa Region II, Region III, CALABARZON, MIMAROPA, Region V at National Capital Region.
Umabot na sa 20 ang patay at 74 ang iniwang sugatan ng bagyong "Rolly."
Kung pinsala ang pag-uusapan, narito ang idinulot ng naturang super typhoon:
- napinsalang bahay (2,750)
- pinsala sa imprastruktura (P4.8 bilyon)
- pinsala sa agrikultura (P2 bilyon)
Maliban sa BRP Gabriela Silang, idineploy din ng Philippine Coast Guard ang apat na boom truck para makapaghatid ng kahun-kahong relief supplies.
Mula sa Quirino Grandstand, sabay-sabay tinahak ng mga nabanggit ang humigit-kumulang 400 kilometrong paglalakbay patungong Kabikulan para makapagdala ng tulong.
'Nire-redtag nila ang sarili'
Sa kabilang ng mga panawagan na i-defund ang NTF-ELCAC, naninindigan si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na "wala" sa polisiya ng gobyerno ang panre-redtag.
"On the issue of red-tagging, red-tagging or red-baiting, regardless of the definitions created and adopted by the front organizations, is unequivocally not a matter of policy within the ELCAC program," ani Esperon sa pagdinig.
"Red-tagging is fully inconsistent with what ELCAC is all about, in my humble mind, no benefit can be derived from it, that is why it is inconceivable to even consider engaging in such activity. ELCAC is a development-centered undertaking; if anything we always supported the dissemination of truth."
Depensa niya, mismong ang mga lider-komunista ang direktang nagpapangalan sa mga ligal na aktibista bilang "front organizations" ng kilusan.
May kaugnayan: ‘Red-baiting not government policy, communists tagging themselves’
Samantala, nananawagan naman ang rights group na Amnesty International itigil na ng pamahalaan ang "deadly practice" ng red-tagging sa mga grupong kritikal sa gobyerno, lalo na't sakop naman daw ng batas at freedom of expression ang karapatang bumatikos sa mga polisiya.
"In the prevailing context where red-tagged individuals become the targets of harassment, threats and even killings, courts and pertinent government agencies must take concrete steps to ensure the safety and protection of these individuals," ayon sa Amnesty.
- Latest