^

Bansa

22 na patay kay ‘Quinta’ – NDRRMC

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 22 indibiduwal ang naitala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na na­sawi matapos manalasa ang bagyong Quinta sa bansa.

Sa kanilang report, ang mga namatay ay naitala sa Calabarzon, Mimaropa, Region 5, 6 at 7 habang umakyat din sa 39 ang nasugatan at apat ang nawawala na pinagha­hanap pa rin ng search and rescue teams sa limang nabanggit na re­hiyon.

Nadagdagan din ang mga pamilyang naapek­tuhan ng bagyong Quinta na umabot sa 176, 532 o katumbas ng 775, 513 indi­biduwal. Nasa 2,206 na pa­milya ang tumutuloy nga­yon sa 150 evacuation centers at 1,773 pamilya ang nakikituloy sa kanilang mga kaanak.

Naitala rin ang kabu­uang 95 na insidente ng pagbaha, pagguho ng lupa at paglubog ng bangka habang mahigit 52,000 bahay ang nasira ng nasabing bagyo kung saan mahigit 49,000 dito ay “partially damaged” at mahigit 3,000 ang “totally damaged”.

QUINTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with