Higit 81,000 preso napalaya
MANILA, Philippines — Mahigit 81,000 mga bilanggo na ang napalaya sa iba’t ibang kulungan sa bansa ngayong pandemya sa kabila ng mga problemang teknikal na kinakaharap dahil sa mga protocol sa lockdown.
Sinabi ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta na nasa kabuuang 81,888 persons deprived of liberty (PDL) ang nakalabas ng kulungan mula Marso 17 hanggang Oktubre 16.
Kalahati sa kanila ay sa pamamagitan ng mga ‘online hearings’ na ipinatupad ng Korte Suprema upang hindi matambak ang mga kaso sa mga korte habang ilan naman ang dinapuan ng virus.
Sa naturang bilang, nasa 19,173 sa kanila ang napalaya dahil sa paglalatag ng piyansa o pagpapababa ng piyansa.
Nasa 880 bata na tinatawag na ‘children in conflict with the law (CICL) rin ang napalaya sa pamamagitan ng ‘video conference hearings’.
Iniulat ni Peralta na umabot sa 110,000 videoconferencing hearings ang kanilang naisagawa mula Mayo hanggang Oktubre na karamihan ay mga kasong kriminal. May 43,000 pagbasa ng sakdal at ‘pre-trial’ at 40,000 trial hearings ang naisagawa sa iba’t ibang korte sa bansa.
- Latest