^

Bansa

PACC chief kinasuhan sa Ombudsman

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Sinampahan ng kasong katiwalian ng mga empleyado ng Duty Free Philippines sa Office of the Ombudsman si Presidential Anti-Crime and Corruption Commissioner Greco Belgica.

Ayon sa mga emple-yadong sina Alexander Sablan, Ernesto Manga­lindan, Romeo Silva Jr., Eric Oracion, Rizalino Santos, Nilo Duarte, Joaquin Vibal, Francis Daco at Carlito Ardales, lumapit sila kay Belgica para humi­ngi ng tulong matapos silang tanggalin bilang mga empleyado ng Duty Free Philippines.

Nangako umano sa kanila ang PACC chief na sila ay tutulungan na lutasin ang kanilang kaso at umasang maibabalik sa kanilang trabaho.

Pinagbayad din umano sila ng P130,000 sa bawat pahina ng kanilang reklamo.

Makalipas ang tatlong taon ay naglabas ng rekomendasyon si Belgica subalit ang mga inireklamo nilang opisyal ay hindi ka-sama sa mga kakasuhan.

Dahil dito, umaapela sila kay Pang. Rodrigo Duterte at Sen. Bong Go na pakinggan ang kanilang hinaing na maibalik sa kanilang mga trabaho at imbestigahan si Belgica.

Sinubukan ng mga miyembro ng media na tawagan si Belgica para sa kanyang panig ngunit tumanggi itong magbigay ng kanyang pahayag.

GRECO BELGICA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with