^

Bansa

Cayetano ‘kapit tuko’, planong tumakbong pangulo sa 2022

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Cayetano ‘kapit tuko’, planong tumakbong pangulo sa 2022
Ito ang inihayag ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na siya nitong nakikitang dahilan kung bakit ayaw irespeto at sundin ni Cayetano ang 15-21 term sharing agreement na nilagdaan nilang dalawa matapos itong i-broker ni Pangulong Rodrigo Duterte.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nagmamatigas umanong bumitaw sa puwesto si Speaker Alan Peter Cayetano dahil sa personal na interes at ambisyon nitong tumakbong Pangulo sa 2022 national elections sa bansa.

Ito ang inihayag ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na siya nitong nakikitang dahilan kung bakit ayaw irespeto at sundin ni Cayetano ang 15-21 term sharing agreement na nilagdaan nilang dalawa matapos itong i-broker ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“He is fighting for personal interest and ambition. Speaker Cayetano is doing everything to be able to achieve his personal ambition and interes na maging Presidente ng 2022,” ayon kay Velasco.

Una nang sinuspinde ng Kamara ang deliberasyon ang P4.506 trilyong General Appropriations Bill (GAB) para sa taong 2021 matapos ang mosyon ni Caye­tano. Ipinasuspinde rin nito ang sesyon hanggang Nobyembre 16 kung saan binalewala ang ‘gentleman’s agreement’ na Oktubre 14 na turnover ng Speakership.

Binigyang diin ni Velasco na sa gitna ng pandemya ay hindi dapat nasuspinde ang deliberasyon sa 2021 national budget.

“At the time of pandemic, we are looking at the survival of our country. Inuuna muna niya ang kanyang political survival before the survival of our country,” ayon kay Velasco.

Sinabi ni Velasco na sinuspinde ni Cayetano ang sesyon upang protektahan ang pondo ng kaniyang mga barkada o mga kaalyado sa Kamara.

Kaugnay nito, umapela muli si Velasco kay Ca­yetano na kilalanin at sundin ang term sharing agreement.

PETER CAYETANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with