^

Bansa

Pagpapalaya kay Jason Ivler umugong

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatakdang maki­pag-ugnayan sa Korte Suprema at sa Department of Justice (DOJ) si Labor Undersecretary Renato Ebarle upang humingi ng linaw sa umuugong nga­yon na pagkilos umano ng kampo ni Jason Ivler upang makalaya ito.

Ito ay makaraang makarating kay Ebarle na nakaamba ang posibleng paglaya ni Ivler kahit na nakasuhan siya ng 40 taong pagkakulong ng Quezon City Regional Trial Court Brach 84 dahil sa pagpatay sa kaniyang anak na si Renato Ebarle Jr. noong 2009.

“Alam ko na may mga hakbang silang ginagawa (Ivler) pero naniniwala pa rin ako sa judicial system ng ating bansa-- may hustisya,” ayon kay Ebarle na bibisita umano kina SC Chief Justice Diosdado Peralta at Justice Secretary Menardo Guevarra para humingi ng linaw sa kaso ni Ivler.

Disyembre 2019 nang ipalabas ang pinal na desisyon ng SC na nagbabasura sa apela ni Ivler.

Muli umanong nagsumite ng apela ang kampo ni Ivler sa SC upang hilingin na ibaba ang kaso sa “homicide” mula sa “murder”.  Kasalukuyang nakabinbin ang apela ni Ivler sa Korte Suprema.

Sa rekord, nakagitgitan umano ng kotse ni Ivler ang kotse ni Ebarle Jr. noong Nob. 18, 2009 sa Quezon City. Nakahinto sa traffic light ang kotse ni Ebarle nang lapitan siya ni Ivler at biglang pagbabarilin.

Matapos nito, nagtago si Ivler ngunit nadakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Enero 18, 2010. Nagtamo ng tama ng bala sa balikat at sikmura si Ivler nang makipagbarilan sa mga operatiba.

JASON IVLER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with